MCG-46 Theme park

516 14 3
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising para maghanda sa lakad namin ni Calix. Mamayang hapon pa naman yun pero hindi ko maiwasang ma-excite. Isinantabi ko muna ang pag-iisip sa mga nangyari kagabi. Mahalaga ang araw ito kaya kailangan kong paghandaang mabuti.

Alas tres ay tumawag na si Calix sa akin at sinabi na nasa harap na sila ng bahay namin. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at pagkain na ginawa ko kanina.

Paglabas ko ay nakita ko siyang naghihintay sa labas ng sasakyan. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bilang pagbati. Medyo nakaramdam ako ng hiya ng makita ang gulat sa mukha niya.

"A-ahm... Sorry." Nahihiyang sabi ko at inabot sa kanya ang isang lunch box na may lamang dessert na ako mismo ang gumawa.

"Okay lang. Medyo nagulat lang ako." Nakangiting sabi niya at tiningnan ang inabot ko. "What's this?" tanong niya. Graham balls na coated with chocolate ang ibingay ko sa kanya. Kanina ko lang natutunan gawin kaya medyo kabado ako na hindi niya magustuhan. Binuksan niya ang lalagyan at kumuha ng isang piraso at kinain.

Hindi mawala ang ngiti ko buong biyahe hanggang makarating kami sa Funtime theme park dahil sa sinabi niyang masarap ang gawa ko. Hindi kami nag-uusap kasi nahihiya pa rin ako sa ginawa kong paghalik sa pisngi niya.

"Salamat." Nakangiting sabi ko ng pagbuksan niya ako ng pinto. Pumunta na kami sa mga kaibigan naming naghihintay sa isang side ng parking area. Nagulat ako nang makita si Gabriel at Andrei pero wala si Jasper.

"Tss! Late." Salubong sa amin ni Andrei ng makalapit kami sa kanila. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang late kami ng ten minutes.

Magso-sorry sana ako pero lumakad na siya papunta sa entrance ng themepark. Masaya pa naman ako dahil nandito siya pero mukhang badtrip siya. Hindi siguro natuloy 'yong lakad niya.

"Sorry about kay Bro. Alam mo namang ayaw niya na naghihintay." Paliwanag ni Andrea kaya tumango na lang ako at sumunod na kami kay Andrei.

Pagkabili namin ng ticket na ride all you can ay nagkasundo kaming maghiwa-hiwalay muna at magkita na lang mamayang five.

"This place looks familiar." Komento ni Calix dahilan upang mapangiti ako. Kahit nawala ang alaala niya ay may mga bagay na hindi naalis sa kanya. Katulad ng pagiging masungit minsan, at pagiging gentleman. Madalas rin niyang sabihin na pamilyar sa kanya ang mga lugar na pinupuntuhan namin.

"Special para sa atin ang lugar na ito." Nakangiting sabi ko at tumingin sa paligid. Maraming nagbago sa lugar na ito pero nandito pa rin ang mga alaala na kahit kailan ay hindi maaalis sa utak ko.

--

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya habang inililibot ang tingin sa themepark na pinuntahan namin. Bigla na lang niya akong hinila at dinala dito. May klase pa kami pero ang sabi niya mag-cutting na lang muna ako.

"Try natin kung pwedeng manood ng sine dito." Pilisopong sagot niya kaya binatukan ko. Kahit kailan talaga! "Aww! Magde-date tayo." Sabi niya habang hinihimas ang batok na sinapok ko. Napangiti naman ako bigla ng sinabi niyang date. Sa itsura ni Calix na medyo maangas ay hindi mo aakalaing may sweetbones din siya. Bumili muna kami ng damit para makapagpalit dahil naka-uniform pa kami.

"Patay na naman ako kay Gabriel kapag nalaman na nag-cut ako." Sabi ko habang naglalakad kami na magkahawak kamay. Ang hirap magpigil ng kilig. Matagal na ring nanliligaw si Calix, halos mag-iisang taon na rin at ang sabi niya sa akin willing naman daw siyang maghintay sa akin.

"Hayaan mo nga 'yong bestfriend mo. Bitter lang 'yon sa akin." Komento ni Calix. Napatigil ako at napanguso sa sinabi niya. Si Gabriel ay ang bestfriend ko at parang kuya na rin ang tingin ko sa kanya, kaya naman laking gulat ko noong umamin ito sa akin na mahal niya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko noon kaya ilang buwan ko siyang iniwasan hanggang sa nagdesisyon akong sabihin sa kanya ang totoo-na hanggang kapatid at bestfriend lang ang tingin ko sa kanya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon