Alaala, alaala, alaalaSinabayan ako ni Andrei at Jj sa Intro ng kanta.
Araw-araw ay naghihintay sa'yo
Dala-dala ang pangarap na hindi nabuo
Bawat alaala mo'y nagbabalik
Hindi pa rin malimot ang mga sandali.
Dumilat ako at napangiti ng mapait. Hindi ko alam kung bakit ko pinili ang kantang ito. Siguro ay dahil saktong sakto ito sa akin? Dahil hanggang ngayon naghihintay pa rin ako at kahit pilit nilang ipalimot sa akin ang lahat ng tungkol sa kanya, ay hindi ko magawa.
Nagbabakasakali na muli kang magbalik
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakaling
Lubusang mawala
Huwag naman sana.
Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako
Sinta.
Napatingin ako sa mga nanonood at parang gulat na gulat sila sa ginagawa ko. Nakita ko naman si Gabriel na nakangiti sa akin, si Devy at kyunie na nakathumbs up. Si Jasper naman ay pumalakpak kaya pumalakpak din ang mga nanonood.
Alaala, alaala, alaala
Takbo ng oras ay kay bagal antayin
Darating kaya?
Tanong ng aking isip
Nakatulala sa isang tabi
Hindi maisip kung ano ang gagawin♪
Napapikit ulit ako ng marealize na ang tagal ko na din palang naghihintay. Babalik ka pa naman di ba? Babalikan mo ako?
Nagbabakasakali na hindi pa huli
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakaling
Lubusang mawala
Huwag naman sana.
Biglang binalot ng kaba ang puso ko dahil doon. Paano nga ba kung wala na? Napailing ako at nagsimula nang magtubig ang mata ko. Parang gusto kong sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Bakit nga kasi ito ang kantang pinili ko?
Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako
Sayang naman kung mawalay pa
Tuluyan na bang mawawala
Asahan mong maghihintay pa rin...
Naramdaman kong may malamig na bagay ang gumuhit sa pisngi ko. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagkanta, kailangan kong tapusin 'to.
Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako.
Sinta...
Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Sinubukan ko huwag magbreak ang boses ko pero halata na nag-iba ito. Pabagal ng pabagal at pahina ng pahina ang kanta ko hanggang sa matapos. Napayuko ako dahil nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong auditorium.

BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...