MCG-9 Users

1.2K 30 14
                                    

Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong magkaroon ako ng bagong mga kaibigan. Noong una ay nailang ako, nasanay kasi ako na laging maisa kaya nanibago ako sa ingay nila. Lagi silang nag-aasaran at tatawanan kaya unti-unti ay nasasanay na ako.

Tuwing vacant ay sabay- sabay kaming kumakain. Minsan ay hindi namin kasabay sila Andrei dahil iba ang schedule nila sa amin. Doon ko nalaman na HRM student si Andrei katulad ni Jasper at L. Tumatambay lang siya sa rooftop ng building ng B.A. para matulog.

Napansin ko rin ang pagiging mabait, at maasikaso ni Andrei. Lagi rin siyang nakangiti sa sa akin. Madalas din siyang bumanat ng mga pick-up lines sa akin kaya lalong nagkakatuwaan sila Jasper.

Samantalang naging malamig ang pakikitungo ko kay mom dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila ng doctor na yun pero, nasaktan ako dahil hanggang ngayon ay yun pa rin ang tingin nila sa akin.

So far, wala na kong ibang pinoproblema.

And speaking of problema, mukhang meron na pala. Pagpasok ko kasi sa unang klase ko ay nakita ko na ang evil duo. Nagtindigan ang mga balahibo dahil nakangiti sila habang nakatingin sa akin.

“Nakakakilabot ang ngiti nila.” bulong ko habang naglalakad. Nakita ko pa silang nasasalita habang nakatingin pa rin sa akin. Ino-oorasyunan yata nila ako.

“Hi, Rixie!”

"Ay orasyon!" gulat kong sabi at napalingon sa gilid kom

"Anong orasyon?" tanong ni Kyunie, mabilis akong umiling.

"Ha? wala lang yun! Tara na." sabi ko at pumunta na sa upuan ko.

"Okay ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo." sabi ni Kyunie. Sakto namang dumating na rin si Andrea at Jj.

"Okay lang ako. Pwede ba kayo sa Sunday?” tanong ko sa kanila. Sinabihan ako ni Mom na imbitahin sila sa bahay. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko din na makilala sila ni Dad.

Agad naman silang tumango kaya napangiti ako.

"Wala naman kaming gagawin. Bakit mo natanong?” tanong ni Jj.

“Invite ko sana kayo sa bahay at gusto din ni Mommy na makilala kayo.” sabi ko.

"Sige, punta kami." sabi ni Andrea kaya napatango ako.

Dumating na ang prof namin. Kaya tumingin na lang ako sa labas. Nakikinig naman ako kaya may pumapasok pa sa utak ko.

"Rixie, doon tayo sa gym ngayon." Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit dahil sa sinabi ni Andrea. Bigla akong kinabahan, hindi ako pwede sa gym.

"H-ha? B-bakit sa gym?" tanong ko. Hindi ko maiwasang mautal. Bakit doon? Normally, sa cafeteria kami kumakain, minsan sa rooftop o di kaya sa garden.

"Kasali na kasi si bro sa basketball team!" masayang sabi niya.

Kahit na ayaw kong pumunta sa gym ay wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Andrea. Sumakit ang ulo ko sa kaiisip ng posibleng mangyari doon habang naglalakad kami.

Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa gym pagpasok namin, at kinakabahan pa rin ako.

'Sana wala siya.'

"Rixie, sino hinahanap mo?” napalingon ako kay Jasper na mukhang naghihintay sa akin. Ako na lang pala ang naiwan sa may pinto. Umiling ako at ngumiti.

"Ha? W-wala." sabi ko at lumapit sa gilid kung saan naroroon sila Andrei. Agad kong binati si Andrei at L.

"Packing tape! Bakit nandito ang demonyong yan?" narinig kong inis na sabi ni Andrea kaya napalingon ako kung saan siya nakatingin. Nanlaki ang mata ko ng makita siya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon