Andrei's POV
"Bro! Magkano ba ang lugi at ganyan mukha mo?" natatawang bati ng kakambal ko. Kararating ko lang ay siya agad sumalubong sa akin. Hindi ba pwedeng ang isa kong kapatid ang sumalubong sa akin? atleast yun matutuwa pa ko.
"Lugi? Hindi rin... Jackpot nga, e!" Nakangiting sabi ko kaya napakunot noo siya.
"What do you mean?" tanong niya pero nagkibit-balikat na lang ako.
"Kuya!" napatingin ako sa sumigaw. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Ang sweet talaga ng bunso namin.
"Hey, bakit ako hindi mo ko niyakap noong dumating ako?" Reklamo ng kakambal ko.
"Heh! Ayoko sayo! Bleh!" sabi naman ni mica at dumila. Kahit kailan talaga laging ganyan ang dalawang yan. Parang nag-aaway pero lambingan nila yan. Nagsimula na silang magbangayan. Pinigilan ko na sila bago pa magbatuhan ng mga gamit. Umupo na sa tabi ng kakambal ko.
"Bakit ngayon ka lang bro? Hinihintay kita kanina sa school." sabi niya. Patay! nakalimutan kong hindi nga pala niya dala ang motor niya.
"Sorry. May hinintay pa kasi ko kanina." sabi ko. Napansin ko na naman na parang nabigla sila.
"Oh my god!" oa na sabi ng kakambal ko saka sinalat ang noo ko. "May sakit ka ba bro? Nabangga ka ba ng hindi namin nalalaman?" Tanong niya.
"Nabagok ba ulo mo kuya?" tanong naman ni mica. Napailing na lang ako. Kanina nagtatalo sila tapos ngayon biglang nagkasundo.
"Layuan n'yo nga ako. Wala akong sakit, hindi ako nabangga at lalong hindi nabagok ang ulo ko." sabi ko. Nagtinginan naman silang dalawa. Alam kasi nilang mainipin ako at hindi ako naghihintay, pag hindi ka dumating sa oras na sinabi ko aalis na ko. Hindi uso sa akin ang filipino time.
"Sino ang hinintay mo?!" sabay na tanong nilang dalawa.
Tumayo ako at nagpunta na sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto para hindi na nila mabuksan. Maya-maya lang ay halos masira na ang pinto ng kwarto ko dahil sa pagkalampag ng kakambal ko. They're asking kung sino ang hinintay ko pero hindi ako sumagot.
"Wawasakin ko itong pinto mo!" sigaw naman ng kakambal ko. Patuloy nilang kinakalampag pinto ng kwarto ko.
"Sige lang! Hindi naman ako mapapagalitan, siguradong lagot ka kay Papa!" sigaw ko saka sinulpak ang headset sa tainga ko para hindi sila marinig.
Kinuha ko din ang isang malaking notebook sa bag at tiningnan ang mga drawing nito. Hindi ko maiwasang humanga sa mga sketches niya at meron ding mga doodle dito.
Naalala ko tuloy ng makita ko siyang umiiyak noong isang araw at kanina. Sobrang importante siguro nito kaya iniiyakan niya.
Matapos kong tingnan lahat ng drawing ay ibabalik ko na sana ang sketchbook pero nabitawan ko ito at nahulog. Pupulutin ko na sana pero napansin kong nabuklat ang nasa dulong pahina at bumungad sa akin ang sketch ng isang lalake.
**
"Nabalitaan n'yo ba ang nangyari kay CG?"
CG?
Simula kaninang umaga yan ang naririnig kong usapan ng mga students dito.
"Ah! Oo, muntik mabangga ang sasakyan nila." sabi ng isa sa mga kaklase namin.
"Muntik mabangga? Di ba ang sabi ay tatalon dapat palabas ng sasakyan si CG."
"Who's CG?" I asked Jasper na katabi ko lang.
"si CG ba? Estudyante din dito. Take note ang pinakasikat na student dito." nakangising sabi ni jasper.
"Pinakasikat? Really? Kaya pala kanina ko pa naririnig ang pangalan niya." Sabi ko. Kanina ko pa kasi napapansin yun simula ng pumasok ako. May naikwento din sa akin ang kakambal ko about kay CG na narinig lang din niya sa mga students.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...