Andrei's PoV
"Naka-move on ka na? Agad-agad?" gulat na tanong ni Andrea at humarap sa akin, nasa passenger seat siya at ako naman nasa likod. Tinaasan ko siya ng kilay.
Ano bang mali kung naka-move on agad ako? Iyon ang napansin ko this past weeks. Wala na, hindi na ako nasasaktan sa nangyaring pagka-busted ko. I don't know if that's a good thing or not.
"May be hindi pa talaga nadevelop ang feelings mo kaya madali kang nakamove on. As I can see hindi ka rin bitter dahil kung sino-sino na naman ang kadate mo." napatingin ako kay Papa na siyang nagdadrive. Nagkibit-balikat ako at tumingin sa labas. Okay na ako at parang wala na lang sa aking ang nangyari.
Papunta kami sa mansyon ng mga Arzon para tumulong sa Christmas party mamaya. Gusto ko ring kumustahin si Flaire, base kasi sa kwento ni Andrea walang nagbabago sa kilos nito. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita dahil naging abala ako sa photography.
"There are two more option kung bakit ganyan ang nararamdaman mo. Baka hindi ka naman talaga inlove sa kanya. May be... na-misinterpret mo lang, baka kapatid pala ang tingin mo sa kanya." napalingon ako kay Papa. Nakangisi siya habang nagdadrive.
Iyon nga lang ba? Pero knowing my father. Kapag ganyang nakangisi siya ibig sabihin ay ginagamitan niya kami ng pagiging phyco niya.
"Papa naman! Obviously, hindi gano'n 'yon." sabat ni Andrea.
"Possibilities lang naman. Baka kasi lumalabas lang ang pagiging kuya niya dahil nakikita niyang kailangan niyang protektahan si Rixie." paliwanag ni Papa. Gano'n nga lang ba 'yon?
"Ano pa ang isang option?" tanong ko. Muling ngumisi si Papa pero imbis na sagutin ang tanong ko ay ihinto niya ang sasakyan at bumaba dahil nandito na kami sa bahay ng mga Arzon. Ito ang reason kung bakit ayaw kong kausap si Papa.
"Si Papa pabitin!" reklamo ni Andrea at bumaba na kami. Saktong paglabas namin ay nakita namin si Edgar at tito Rowell na mukhang nagmamadali.
"May problema." sabi ni Papa dahilan para mapatigil si tito Rowell.
"Pasok na muna kayo. Aalis lang kami para hanapin si Rixie." sabi niya. Napakunot-noo ako.
"B-bakit po? Saan nagpunta si Rixie?" tanong ni Andrea.
"Hindi namin alam, wala Rixie sa kwarto niya, sinubukan na rin naming hanapin sa buong bahay pero wala. Tumawag kami sa guards ng village at doon namin nalaman na lumabas siya. May dalang mga bag." paliwanag ni Edgar at sumakay sa motorsiklo niya.
"Hala!? Naglayas si Rixie?!" sigaw ni Andrea.
Agad kong nilabas ang phone ko para sana tawagan siya pero nakapatay ang phone niya. Napamura ako. Ano na naman ba ang pumasok sa isip niya?
Kinuha ko kay Papa ang susi ng kotse at umalis. Tinawagan ko na ang iba para mahanap agad namin si Flaire. Sinubukan ko ring tawagan si Ate Chelly pero hindi pa siya pinupuntahan nito.
Wala na akong maisip na ibang pupuntahan niya kundi si Calix kaya lumiko ako at nagpunta sa isang kilalang village. Pagdating ko doon ay nakita ko ang sasakyan ni Gabriel sa tapat ng malaking bahay. Agad ko ring nakita si Gabriel na kinukwelyuhan si Calix. Nilapitan ko sila at pinaghiwalay, hindi rin nagtagal ay may lumabas na dalawang babae mula sa loob ng bahay.
"Gabriel! What are you doing?!" sigaw ng isang babae, ang tanda ko ay kapatid 'yon ni Calix.
"Nasaan si Rixie?" mariing tanong ni Gabriel pero tanging tingin lang ang isinagot sa amin ni Calix. May napansin akong kakaiba kay Calix lalo na sa tingin niya pero hindi ko matukoy.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...