MCG-6 Revenge

1.3K 30 7
                                    

Andrei's Pov

Huminto na ko sa tapat ng bahay este mansion nila. Tiningnan ko si Flaire na nahihimbing pa rin sa pagtulog.

"Flaire." tawag ko sa kanya sabay tapik sa braso niya para gisingin pero hindi siya nagising. Inulit ko lang ang pagtawag sa kanya at noong hindi siya magising, I decided na buhatin na lang siya.

Kinuha ko na ang mga gamit niya at binuhat siya. Hindi naman siya mabigat at ang gaan lang niya. Bakit ba kasi ang payat niya?

Nagdoorbell na ko at ilang saglit lang ay may nagbukas ng gate.

"Hala! Ano po ang nangyari kay ma'am?" tanong ng katulong.

"Nakatulog lang po siya." Paliwanag ko, agad naman niya akong pinapasok. Nasa may pintuan pa lang ako ng may marinig akong bumusina mula sa labas.

"Nako! Nandyaan na si sir!" sabi ng katulong at dali-daling bumalik sa gate. Pumasok na ko sa loob ng bahay at sumalubong agad sa akin ang mataray na mommy ni Flaire. Mula sa nakataas na kilay ay agad napalitan ng pag-aalala ang itsura ng ginang.

"Ano nangyari sa kanya?" tanong niya habang palapit sa akin.

"Don't worry po she's okay, napagod lang po siguro kaya nakatulog sa biyahe." sabi ko, parang nabunutan siya ng tinik at nakahinga ng maluwag.

"Ma, may bisita ba— Ano nangyare kay Rixie? Sino ka?" napalingon ako sa nagsalita na kapapasok lamang. Lalake na nasa mid forties siguro.

Rixie?

Parang narinig ko na ang pangalan na yun sa kung saan pero hindi ko maalala.

"Pa, calm down. Tulog lang siya." sabi ng mommy ni Flaire.

Lumapit agad sa akin ang daddy ni Flaire at kinuha siya. Samantalang si Flaire naman ay hindi man lang nagising.

"Good evening po, sir." Magalang na bati ko kahit 5 pm pa lang. Hindi niya ko pinansin at naglakad paalis.

Sumunod ako sa kanya pero bigla siyang huminto at lumingon sa akin. "Where do you think you're going?" Masungit na tanong niya sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras.

"D-dadalhin ko po ang mga gamit ni Flaire." sabi ko saka pinakita ang bag at plastic bags na dala ko.

"Flaire ang tawag mo sa anak ko?" tanong ni Sir.

"Opo, yun naman po ang pangalan niya 'di ba?" tanong ko para kasing takang taka sila dahil Flaire ang tawag ko sa anak nila. Tumango lang si Sir at naglakad na ulit.

Pumasok siya sa isang silid, I assume na kwarto ni flaire yun kaya pumasok din ako. Inilibot ko ang mata ko sa kwarto niyang kulay sky blue, malinis ito, pero pansin kong wala masyadong gamit kahit ang maluwag naman ito. Ihiniga na ng dad niya si flaire sa kama, ako naman inayos ko na ang mga gamit niya sa table at may mga inilagay sa tabi nya.

"Ehem! Ehem!" napalingon ako sa likod ko at mabilis na tumayo. Sabay na kaming lumabas at sinarado na ng dad niya ang pinto. Pagbaba namin ay biglang nagsalita ang daddy ni flaire.

"Can I talk to you young man."sabi ng dad nya.

Dapat na ba kong kabahan?


Rixie's Pov

Napainat at naghikab ako. Ang sarap matulog! Iyong tipong parang ayoko nang bumangon sa kama ko at matulog na lang maghapon.

Idinilat ko na ang mata ko pero napapikit ulit ako. Dahan-dahan ko muling binuksan ang mata ko. Nakakita ko ng dalawang oso na magkaiba ang kulay, isang dilaw na dolphin, isang baboy, isang elepante at isang pusa.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon