"Rixie, gising na! May pasok tayo."
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at muling napapikit. Gusto ko pang matulog. Hindi ko alam pero antok na antok ako.
"Rixie, bumangon ka na o gusto mo pang buhusan kita ng tubig diyan para diretso ligo?" tanong ni Andrea kaya bigla akong napabangon. Napatingin naman ako sa kama. Ang huling natatandaan ko kasi ay nasa sala kami kagabi.
Tumayo na ko, kumuha ng mga gamit bago nagtungo sa banyo. Matapos maligo ay lumabas na ko. Sinalubong ako ng napakabangong amoy, humagod iyon sa ilong ko pababa sa sikmura kaya agad akong nakaramdam ng gutom.
Lumabas ako ng kwarto at nakita si Andrei sa kusina at naka-apron. Napangiti ako ng mapansin ang design ng kulay pink na apron. Para kasi siyang maid sa itsura niya habang naglalagay ng pagkain sa counter. Napagtanto na napakaswerte ni Andrea. Kahit wala siya sa bahay nila ay asikasong-asikaso siya ni Andrei.
"Kain na." napakurap ako ng tawagin niya ako. Natutulala na pala ako ng wala sa oras. "Dalian n'yo na." sabi niya ng makaupo kami. Nagsimula na kaming kumain at masasabi kong gifted ata talaga si Andrei sa kusina. Kahit ano kasi ang iluto niya ay masarap.
Matapos kumain ay sumabay na kami kay Andrei papunta ng B.U. Naging tahimik ang biyahe namin dahil naging abala kami sa kanya-kanyang gawain. Ako'y nakatulala lang sa labas, si Andrea ay naglalaro sa phone niya at si Andrei ang nagmamaneho.
Papasok pa lang sa parking lot ng B.U. ay bumungad na sa aking paningin ang isang pamilyar na lalaki. Agad akong nakaramdam ng sakit. Parang gusto ko tuloy na umuwi na lang at magkulong sa kwarto ko.
"Rixie, tara na." aya ni Andrea kaya bumaba na rin ako. Nakita kong papalapit siya sa amin kaya nabilis akong nagpasalamat kay Andrei at hinila palayo si Andrea. Halos tumakbo na kami papunta sa unang klase namin.
"B-bakit ba tayo tumatakbo?" hinihingal na tanong ni Andrea at umupo.
"Exersice?" sabi ko at tumingin sa labas.
Lumipas ang mga oras at natapos ang mga klase ay gano'n lang ang ginawa ko. Pagdating ng vacant at inaya ko sila na sa labas kumain.
"Naninibago ako sa kilos mo." sabi ni Jj ng makalabas kami ng university. Hindi namin kasabay sila Andrei ngayon kaya kaming apat lang.
"Masakit kasi tiyan ko." palusot ko na lang. Bigla naman akong binigyan ng gamot ni Kyunie.
"In case of emergency." nakangiting sabi niya. Tumango ako at kinuha yun. Sumakay kami sa sasakyan ni Kyunie at kumain sa malapit na fast food. Dalawang oras din kaming nanatili doon bago nagdecide na bumalik ng university.
"May iniiwasan ka." sabi ni Jj paghinto ng sasakyan ni Kyunie sa parking lot ng university.
"Wala." tanggi ko at binuksan ang pinto para lumabas pero parang gusto kong bumalik sa loob at isara ang pinto ng makarinig ng isang pamilyar na boses.
"Rixie." tawag niya gamit ang malumanay na boses. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at sinenyasan lang nila ako na mauna na sila. Wala akong nagawa kundi ang magpaiwan. Humarap ako kay Calix pero mabilis akong napaiwas ng tingin sa kanya nang muling maalala ang nangyari kahapon.
"May kailangan ka? Pwedeng mamaya na lang, magsisimula na klase ko." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Okay, let's talk later." mahinang sabi niya at lumayo sa akin. "A-and I'm sorry." sabi niya bago umalis.
Tumingin ako sa kanya habang paalis siya. Lalo akong nakadama ng sakit habang tinitingnan siyang palayo sa akin.
"Cah." tawag ko sa kanya. Huminto siya pero hindi siya humarap. Marami kong gustong sabihin at marami akong gustong itanong pero natatakot ako sa maaaring sabihin niya. Humarap siya sa akin at ngumiti ng matamlay.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
ComédieSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...