MCG-57 Let go

441 8 0
                                    


Rixie's PoV

'Rowell, I'm scared. Iba na naman ang ikinikilos niya.'

'Kuya, nagiging creepy na siya. Bigla siyang ngumingiti mag-isa. Baka this time totoo na iyong baliw-baliwan niya.'

'Andres, Ano bang dapat naming gawin? Natatakot na si Miles na baka tuluyan nang bumigay ang anak ko.'


Akala siguro nila ay hindi ko alam ang iniisip nila at hindi ko naririnig ang mga pinag-uusapan nila nitong nakakaraan. Napabuntong hininga ako at inayos ang mga gamit na dadalhin ko. Matapos no'n ay inilabas ko ang phone ko at dinial ang isang numero.

"H-hello." bati niya.

"Magagawan mo ba ng paraan para magkita kami ngayon?" agad kong tanong. Matagal bago siya sumagot.

"Makikipagkita ka sa kanya?"

"Oo. Ngayon sana." sabi ko at tiningnan ang oras. Alas dos pa lang.

"I'll try. Tatawagan ulit kita." sabi niya at tinapos ang tawag.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Pansin kong wala masyadong tao sa bahay. Siguro ay abala ang lahat dahil Christmas eve ngayon at may magaganap na christmas party mamaya.

Naging pabor sa akin iyon dahil walang nakapansin na umalis ako. Mabuti na rin iyon para hindi na sila magtanong.

Naglakad lang ako hanggang sa makalabas ng village. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta pero nagdesisyon akong maghintay na lang sa isang park. Pinagmasdan ko ulit ang mga bag na dala ko.

'Tama kaya ang gagawin ko?'




Calix's PoV

"Sharizz..." I called her. Nagtataka siyang tumingin sa akin nang hindi ko na dinugtungan ang sasabihin ko. I want to ask something pero hindi ko magawang itanong.

Ilang linggo na ang lumipas pero wala na akong natanggap na balita mula sa kanya. Hindi na rin siya binabanggit ni Sharizz. Dati ay kahit hindi ako nagtatanong ay sinasabi niya ang mga bagay na may kinalaman kay Rixie.

I don't know pero noong umpisa lang ako galit sa kanya. As the days passed marami akong naiisip at hinahanap ko ang presensya niya.

"Bakit?" tanong niya kaya nag-isip na lang ako ng ibang itatanong.

"Anong sabi ng doctor?" tanong ko. Hanggang ngayon nasa ospital pa rin ako. Four weeks to be exact. Unang linggo ko dito ay clueless ako kung bakit hindi pa rin ako pinapalabas. My mom and tiffany won't tell me kaya I asked Sharizz to know my real condition.

"Hinihintay na lang na tuluyang mawala ang pamamaga then they'll proceed to the operation. Kung... papayag ka na." sabi niya at umupo sa tabi ng kama ko. "Mukhang may gusto ka pang itanong." sabi niya.

"Do you still have communicate woth her?" tanong ko. Kahit hindi ako magsabi ng pangalan ay alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.

"Bakit mo natanong? Akala ko ba galit ka sa kanya?" tanong niya.

"Just answer my question." sabi ko at umirap.

"HB. Okay. Noong second week mo dito sa ospital ay tumatawag pa siya then suddenly hindi na siya nagparamdam. Nag-worry ako kasi nalaman ko na nagka-history siya ng breakdown noon at madalas din siyang maospital-"

"What?" pigil ko sa kanya. Breakdown? Madalas maospital? I didn't know that? Nagsimulang magkwento si Sharizz about sa mga nalaman niya.

"Na-trauma siya dahil sa nangyari sa inyo and na-depress noong bigla kang inilipat sa ospital ng hindi alam ni Rixie. Kung totoo ang sinabi ng source ko... nagbreakdown siya at naging sakitin that time." nahihirapan akong i-absurb ang mga sinabi niya. Walang nabanggit si Rixie sa akin. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya noong huling beses kami mag-usap.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon