MCG-44 May mali

551 14 0
                                    


"Cah, Gusto mo pa bang bumalik ang alaala mo?" tanong ko.

Parang gusto ko tuloy bawiin ang tanong ko. Tahimik lang kasi siya habang nakatingin sa akin. Walang emosyon ang mababakas sa mukha niya kaya lalo akong kinabahan.

"Oh my g! Oh my g! Rixie!"

Isang sigaw ang bumasag sa katahimikang nakapalibot sa amin. Agad akong na napalingon sa sumigaw, pero pagharap ko ay halos matumba ako dahil sa dumamba sa akin.

"oh my ghod! Oh my ghod! Akala ko namamalik-mata lang ako pero..." humiwalay siya at tiningnan ako. "Arrg! It's you! It's really you!" Masayang sabi niya at muli akong niyakap, napatingin ako kay Calix na nakatingin lang sa amin at mukhang nagulat din.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap ng babae at hinarap siya. Doon ko lang napagtanto kung sino siya.

"Z-zyla?" Patanong na sabi ko.

"Ako nga! Grabe! Akala ko nakalimutan mo na ko! Magaling ka na siguro di ba? Nakapunta ka na ulit dito meaning magaling ka na!?" tanong niya. Sasagot pa lang ako ay nagtanong na naman siya. "Kumusta na? Sa B.U ka nag-aaral 'di ba? Grabe! Sikat ka pa rin hanggang ngayon! Kasama mo ba si Gabriel?" Inilibot niya ang kanyang tingin hanggang sa mahinto kay Calix na nakaupo sa bench hindi kalayuan sa lugar namin.

Kita kong halos mamutla ang kulay ni Zyla. Para siyang nakakita ng multo. Napaurong rin siya nang tumayo si Calix.

"Rixie, I think we have to go." Wika niya at tumingin sa kanyang relo.

"C-calix Kenn Franco. B-buhay ka?" Gulat na tanong ni Zyla at tumingin sa akin. Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at tumili. "Omg! Omg! Buhay siya! Destiny na talaga ito!" Sigaw niya at niyugyog ako.

Pinatahimik ko siya at pinakalma. Hindi pa rin siya nagbabago, ang ingay niya pa rin.

"Obviously, you know me too. Who are you by the way?" Tanong ni Calix gamit ang matigas na ingles. Nabalik ang atensyon ko kay Zyla ng bigla siyang tumawa.

"Joker ka talaga minsan, Calix. Sa ganda kong 'to hindi mo ko nakilala?" Natatawang sabi niya kaya muli ko siyang sinaway.

"Zyla, hindi ka niya nakikilala." Suway ko dahilan upang matigilan siya. Natatanong ang kanyang mga mata nang tumingin siya sa akin. "Nagka-amnesia siya. Wala siyang naaalala na kahit ano." Mahinang sabi ko.

"Rixie, It's already six. Kailangan ko nang umuwi." Sabi ni Calix kaya tumango ako.

"Zyla, kailangan na naming umalis. Kita na lang tayo next time." Paalam ko. Tumango siya kaya inanyayahan ko na si Calix na umalis.

--

"Cah? Okay ka lang ba?" Tanong ko nang mapansin na tahimik siya at nakakunot ang noo habang nakatingin sa labas.

"I'm fine. I'm just thinking about your last question. Did you know how hard it is to live without a single memory on your mind? It feels like I'm in an empty room looking for something I didn't know. Before I came here, I decided na hindi ko na aalamin ang nakaraan ko and just make new memories. But then you came." Sabi niya at tumingin sa akin. Pakiramdam ko ay tumigil ang oras nang isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Suddenly, nagbago ang isip ko. I want to remember my past."

Pakiramdam ko ay natunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya. Napangiti na lang ako dahil wala akong masabi. Masaya ako at hindi iyon maitatanggi sa ngiting ayaw maalis sa labi ko.

Pagdating sa bahay nila Calix ay nakita ko kaagad si Mama Darlene na naghihintay sa garahe.

"Calix, bakit ngayon ka lang?" tanong niya pero agad nabaling ang atensyon sa akin. Kitang-kita ko na nagulat siya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon