Nakayuko lang ako habang tinatadtad ang pagkain ko. Wala akong gana pero nagugutom ako. Masyado akong nagulat sa mga nangyari paglabas ko ng banyo.
"Ano nangyari sa pisngi mo? Bakit namumula?" tanong ni Devy. Napaangat ang tingin ko at tiningnan ang namumulang pisngi ni Andrei. Pero hindi ko magawang makaramdam ng awa, parang naiinis nga ako sa kanya.
"Sinapak ako ni Andrea." Bale-walang sagot niya.
"Bakit?" tanong ni Jasper. Ibinalik ko na ang atensyon ko sa pagkain at sinimulang kumain.
"May lumalandi, e! Nawala lang sa paningin ko saglit pinapapak na agad ng linta." sabi ni Andrea. Bigla ko tuloy naalala ang naging reaksyon niya kanina. Nakita niya si Andrei na hinahalikan sa labi ng isang babae, biglang hinila ni Andrea ang babae at sinampal.
"Ang sakit ng sampal mo sa akin." reklamo Andrei. Kaya napaangat muli ang tingin ko. Nakahawak siya sa pisngi niya.
"Bakit mo kasi hinayaan na halikan ka no'ng babaeng yun?" mataray na tanong Andrea kaya napatango ako. Bakit nga ba hiyayaan niya lang.
"Huh? hindi ko hinayaan. Nagulat lang din ako, bigla na lang akong niyakap tapos hinalikan." Paliwanang ni Andrei at tumingin sa akin. Tumingin na lang ulit ako sa pagkain ko.
"Ano ginawa mo dun sa babae?" tanong ni Jj kay Andrea.
"Hinila ko palayo kay bro tapos sinampal ko." bale-walang sagot ni Andrea.
"Grabe ka naman. Parang girlfriend ka ni Andrei kung umasta." komento ni Devy.
Nag-usap lang sila about sa nangyari at nagkwento na din sila Jasper ng mga ginagawa ni Andrea sa mga naging girlfriend ni Andrei. Pinagsabihan pa nila si Andrea na huwag makialam sa buhay ni Andrei. Naiba lang ang usapan ng bigla akong punahin ni Devy.
"Rixie, okay ka lang ba?" napatingin silang lahat sa akin dahil sa tanong ni Devy. Nag-angat ako nang tingin at tiningnan sila isa-isa.
"Ha?" tanong ko.
"Matamlay ka tapos parang ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?" tanong ni Jj. Umiling ako bilang sagot.
"Hala ka Andrea natakot ata sa'yo si Rixie." biglang sabi ni Devy. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Bakit naman ako matatakot?
"Natakot ka? Naku! Huwag kang matakot sa akin! Alam kong nagulat ka kanina pero don't worry di naman kita sasaktan. Saka botong-boto ko sa'yo. Nireserved ko na si Bro para sa'yo kaya walang makakalapit na ibang babae diyan. Pag may lumapit, ako nang bahalang rumesbak. Saka huwag kang mag-alala dadalhin ko sa ospital namin si bro, ipapa-quarantine ko ng isang buwan para matanggal ang virus ng babaeng linta na humalik sa kanya." dire-diretsyo sabi niya. Halos kapusin siya ng hininga.
"Tubig!" sabi ni Jasper saka winisikan ng tubig sa mukha si Andrea.
"Ah! Wala ka talagang magawang matino!" Sigaw ni Andrea saka sinapok sa ulo si Jasper. Napatigil lang sila ng bigla akong tumawa. Nagkatinginan sila ng mga kasama namin at nakita kong napangiti si Andrei habang naiiling.
Muli ay naisip ko ang nangyari kanina. Noong nakita ko siyang may kahalikan na babae ay may naramdaman akong pamilyar na pakiramdam. Parang ang naramdaman ko noong makita ko si Calix na may kasamang iba.
Napailing ako at muling itinuon ang atensyon sa pagkain nang bigla kong iyong maalala.
**
Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang buwan na rin pala ang lumipas simula nang manligaw si Andrei. Patuloy pa rin siya sa panliligaw kahit ilang beses ko na siyang pinigilan at sinabihan na tumigil.

BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
ComédieSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...