Napabalingwas ako sa gulat nang may estudyante na nakabungo sa akin. Napatingin ako sa babaeng nakabunggo sa akin.
"Sorry." sabi niya at umalis. Ibinalik ko ang aking tingin sa lalaking tinitingnan, ngunit wala na ito.
Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin siya. Nahinto ang tingin ko sa lalaking naglalakad palayo. Kahit walang kasiguraduhan ay hinabol ko ito.
"Cah!" sinubukan ko siyang tawagin ngunit hindi siya lumilingon sa akin at patuloy lang sa paglayo.
Binilisan ko lalo ang paglalakad at halos tumakbo na ako. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya dahil sa takot na baka mawala na naman siya. Pero dahil na rin sa kanya ako nakatingin ay hindi ko namalayan ang mga naapakan ko, natapilok ako sa isang batong nakakalat sa daan.
"Aww!" daing ko nang mapaupo sa sahig. Hinawakan ko ang kanyang kanang paa ko nang makaramdam ng matinding kirot.
"Di ba si Cg yan?"
"Tulungan n'yo kaya."
"Huh? Ayoko nga baliw yan di ba?"
"Baka magwala pa yan."
"Magaling na daw yan."
Dahan-dahan akong tumayo at hindi na pinansin ang mga sinasabi ng mga estudyante sa paligid. Sinubukan kong maglakad pero muntik na akong matumba dahil sa sakit ng kanang binti ko.
Inilibot ko ang tingin ko at hinanap ang sinusundan ko pero wala na siya. Kahit masakit ang paa ko ay tiniis ko na lang. Nagpalinga-linga akong muli sa paligid.
"Cah!" sigaw ko nang muli siyang makita. Lumiko siya sa isang palikong daan. Agad ko siyang sinundan. This time hindi na ako namamalik-mata, sigurado akong siya ang nakita ko.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halo-halo, masaya ako at pakiramdam ko ay sulit ang tatlong taong paghihintay ko. Takot, dahil baka tulad ng nakaraang linggo ay namamalik-mata lang ako.
Masakit man ang kanang paa ko ay sinubukan ko pa ring tumakbo, para lang maabutan siya. Wala na akong paki sa sakit ng paa ko ang mahalaga ay maabutan ko siya-Ang lalaking hinintay ko ng tatlong taon.
"C-Cah!" Sigaw ko, mabilis akong napangiti nang makitang huminto ang tinatawag ko.
Nagpatuloy ako pagtakbo patungo sa kanya at nang tuluyan na akong makalapit ay agad siyang niyakap mula sa likod. Rinig ko na napasinghap siya sa gulat pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Napaiyak na ako at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. Hindi na ito ilusyon na gawa ng utak ko dahil ito na siya at yakap ko. Totoo at buhay na buhay.
Isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin nang hawakan niya ang kamay ko. Kumalas siya mula sa pagkakayakap ko at humarap sa akin. Lalo akong napahagulgol habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hininga.
Dahan dahan kong itinaas kamay ko upang haplusin ang maamong mukha niya.
"B-bumalik ka na." humihikbing sabi ko. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"Excuse me miss, but do I know you?" kunot noong tanong niya dahilan para matigilan ako. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa tanong niyang iyon.
Calix's Pov
I felt something different while looking at her.
She didn't answer my question, she's just looking at me while crying.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...
