MCG-34 A or C

660 15 1
                                        

"Rixie..." ramdam ko ang pagtindig ng balahibo ko dahil sa lamig at seryosong tono ng boses ni E.A matapos niyang i-park ang kotse niya sa harap ng B.U. "Ano ba talaga?" seryosong tanong niya. Nagtaka naman ako sa tanong niya.

"Ha?" tanong ko.

"Nitong nakakaraan naguguluhan na kami sa kilos mo." sabi niya, tiningnan ko lang siya at hindi sumagot. Ano bang ibig sabihin niya? "I know that you're good in pretending, pero hindi kami tanga. You're hiding something right?" sabi niya. Saglit akong natigilan.

"Wala." Mabilis na sabi ko at lumabas ng kotse.

Tinatago? Wala akong dapat itinatago.

Katulad ng dati ay sinalubong ako ni Andrea at sabay kaming umupo.

"Hindi ko matawagan si bro kagabi papadagdagan ko pa naman sana ang pasalubong ko." sabi ni Andrea kaya bigla kong naalala na tumutunog ang phone ko kagabi. Chineck ko ang phone ko at nagulat nang makita ang sampung missed calld at twenty na text.

Agad kong binuksan ang mga missed calls at nakitang lahat yun ay galing kay Andrei. Sa text naman ay dalawag galing kay Andrea at ang iba ay puro kay Andrei na.

"Busy siguro." Rinig kong sagot ni kyunie habang nagte-text ako kay Andrei para humingi ng sorry.

To:Andrei

Sorry kung hindi ko nasagot at hindi na ko nakapagreply.

"O di kaya walang signal dun sa pinuntahan nila." sabi naman ni Jj.

Pagkatapos kong isend yun ay hinintay kong magreply siya, pero dumating na ang unang prof namin ay hindi ako nakatanggap ng reply, hanggang matapos lahat ng klase.

"Jj ano nga palang balak mo sa birthday mo?" tanong ni Andz kay Jj. Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit.

"Birthday mo?" tanong ko.

"Birthday niya next friday!" excited na sabi ni Andrea.

"Bakit ba excited na excited ka sa birthday ko?" Mataray na tanong ni Jj nang palabas kami ng room.

"Syempre, tatanda ka na!" nakangising sabi ni Andrea.

"Andrea, tandaan mo mas matanda ka pa rin." sabi ni Jj kaya napanguso si Andrea.

"Oo na! lakas makabadtrip!" sabi niya kaya natawa sila samantalang ako ay nagtataka.

"Mas matanda kayo?" tanong ko.

"Ahead ng isang taon sa atin ang kambal." Paliwanag ni Kyunie.

"Kailan ba birthday n'yo?" tanong ko. Napagtanto ko na hindi ko alam ang birthday nila.

"October 29! Next month na!" masayang sabi ni Andrea.

Nagpatuloy lang kami sa usapang birthday at inimbita ako ni Andrea na sumama sa kanila sa birthday nila pero hindi niya sinabi ang mga detalye. Tumango na lang ako at saktong paglabas namin sa gate ay may humintong motorbike sa harap namin.

Nagkatinginan muna kami ng mga kasama ko bago tumingin doon sa nakasakay sa motor. Nakahelmet siya kaya hindi pa namin makilala.

"Hi!" Bati niya saka inalis ang helmet niya. Si E.A lang pala.

"Wow, nice bike." manghang komento ni Andrea habang pinapasadahan ng tingin ang motorsiklo.

"You like it? Pero mas maganda pa rin ang motor mo." sabi ni E.A kay Andrea at bumaling sa akin. "Let's go." sabi niya iniabot ang isa pang helmet. Kinuha ko yun at sinuot.

My Crazy GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon