MGC-51 That day

351 11 0
                                    


"Xie!" napangiti ako nang marinig ang boses niya. Nasa gitna ako ng hallway at papunta na sana sa Canteen. Inilibot ko ang tingin ko pero hindi ko siya makita dahil maraming estudyante sa paligid.

Naramdaman ko na lang na may kumalabit sa kaliwang balikat ko. Lumingon ako pero napagitla ako sa gulat nang may lumapat na kung ano sa kaliwang pisngi ko. Mabilis akong napaurong at nakita si Calix na nakangisi.

"Buo na araw ko." sabi niya at lumapit kaya mabilis ko siyang hinampas ng librong dala ko. "Aray! Para saan yun?" tanong niya.

"Sira! Akala ko kung sino na, at isa pa bawal ang PDA sa school!" sabi ko at inirapan siya.

"Asa ka namang hahayaan kong may ibang hahalik sa asawa ko? Isa pa, okay lang na PDA para alam nilang akin ka at kung may makahuli? Okay lang din dahil tatlong buwan na lang ay graduation na at magiging asawa na kita." nakangiting sabi niya, kinuha niya ang librong hawak ko at inakbayan ako, ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at ang pagwawala ng mga paru-paro sa sikmura ko. "Ayiee! Kinikilig yan kaya natahimik." pang-aasar niya kaya lumayo ako sa kanya.

"A-asa! At anong magiging asawa mo ko after graduation? Ang sabi ni Dad after ng graduation natin ng college hindi after ng graduation natin ngayon." sabi ko kaya napatigil siya.

My dad and Papa (Calix's dad) had decided na i-arrange marriage kami ni Calix dahil sigurado naman daw na kami na ang magkakatuluyan and para daw sa bagong business nila. Okay lang naman sa amin dahil after ng matagal na panliligaw niya ay kami pa rin hanggang ngayon. Mahigit isang taon na rin kami.

"Ah! After pa ba ng college?" tanong niya at ngumisi. Muli niya akong inakbayan at iginiya sa daan papunta sa mga locker. "Okay lang. Kaya ko namang maghintay kahit sampung taon pa yun. Alam ko namang mahal na mahal mo ko." sabi niya kaya natawa ako- well, kinikilig na din.

"Kapal mo! Ikaw nga patay na patay sa akin." sabi ko at huminto sa tapat ng locker ko para itabi ang librong hawak ni Calix.

"Ha? Ako patay na patay sa'yo? " eksahiradong sabi niya kaya napataas ang isang kilay ko. "Masyado na bang halata?" tanong niya kaya hindi ko napigilang mapangiti. Nakarinig din ako ng mga hagikgikan sa likod niya kaya napatingin ako. May ibang estudyante din doon at mukhang narinig nila ang ka-cheesyhan ng boyfriend ko.

"Ibang klase ring bumanat si Calix noh? Ang akala ko noon badboy siya pero mr. Romantico pala." natatawang sabi ng isang babae na kabatch namin.

"Bagay naman sila! Shipper kaya ako ng Caxie couple!" sabi ng katabi niya kaya napailing na lang ako. Caxie ang tawag nila sa amin simula ng kumalat sa buong Academy na kami na.

"Tara na, mr. Romantico." nakangising aya ko sa kanya. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. Habang naglalakad ay namataan ko ang isang kaibigan ni Cah, si Rhian at nakatingin lang sa amin.

"Cah, si Rhian yun di ba?" tanong ko at itinuro ang babae pero bigla itong umalis. "Ay, umalis na." sabi ko.

Pagdating namin sa Canteen ay si Calix na ang umorder ng pagkain namin at pagbalik niya ay agad siyang tumabi sa akin kaya inilabas ko ang isang box ng cookies na ginawa ko kaninang umaga. Special date kasi ngayon, date na sinagot ko siya. Last month ang anniversary namin.

"Gumawa ka na naman?" tanong niya at napailing. Ayaw kasi niya na nagse-celebrate kami ng monthsary. Bumuntong hininga siya. "Xie, alam mo-"

"Yes, I know. Ayaw mong magcelebrate ng monthsary kasi mas gusto na taon ang bibilangin. Gusto ko lang namang magbake kaya gumawa ako." nakangiting sabi ko kaya ngumiti rin siya. Tinitigan ko siya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon