MCG-38 Sleepless nights

674 20 1
                                    

Napatingin ako sa paligid ko.

'Teka, nasaan ba ko?' tanong ko sa sarili ko habang nililibot ang tingin sa paligid. Mabilis na umusbong ang kaba sa dibdib ko nang magpatanto kung nasaan ako.

'Anong ginagawa ko dito?'

Lilingon sana ako sa gilid pero bigla akong napatigil nang maramdaman ang isang matulis at malamig na bagay sa leeg ko.

"Isang maling kilos mo lang at patay ka." puno ng pagbabantang sabi ng isang boses ng lalaki mula sa likod ko.

Kung kanina ay kaba lang ang nararamdaman ko, ngayon ay matinding takot na.

Sa isang kurap lang ay may lumitaw na imahe ng limang lalaki, ang isa sa mga ito ay nakaluhod at duguan, at parang pinipilit nitong tumayo. Hindi ko mapigilan ang mabilis pag-agos ng luha ko.

"C-calix..." nanginginig ang boses ko nang tawagin ko siya. Tumingin siya sa akin. Nanlumo ako nang halos hindi ko siya makilala, at pilit siyang ngumiti.

"H-huwag kang... m-matakot mahal ko... h-hindi ko hahayaan... saktan ka nila." paputol-putol na sabi niya at halatang hirap na hirap na siya. Halos durugin ang puso ko. Muli siyang napahandusay sa sahig nang suntukin siya nang isa sa mga lalaki.

"Tama na!" sigaw ko para tigilan nila si Calix pero parang walang nakarinig sa akin. Pinilit kong kumawala sa lalaking may hawak na patalim. Wala akong pakialam kahit naramdaman kong dumaplis na ang patalim sa leeg ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalaki na papalapit kay Calix habang may hawak na tubo na gawa sa bakal.

"C-cah tumayo ka diyan! L-lumaban ka!" humihikbing sabi ko. Nakita kong unti-unti na muling bumangon si Calix pero bago pa siya tuluyang makatayo ay ihinampas sa kanya ng lalaki ang hawak na tubo.

"Cah!" sigaw ko nang muli siyang humandusay sa sahig. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at tawagin ang pangalan niya hanggang sa unti-unting naglaho ang lahat nang nasa paligid at naiwan ako sa ginta ng kadiliman.

Pagmulat ko ay tanging ang kisame ng kwarto ko ang nakikita at walang tigil ang pag-agos ng luha ko. Bumangon ako at tiningnan ang oras. Alas singko pa lang ng umaga.

Halos ilang oras pa lang akong nakatulog. Kahit inaantok ako ay hindi ko magawang matulog muli. Natatakot akong maulit ang panaginip ko. Ang panaginip kong parang inulit lang ang nangyari noon. Tumayo ako at nagpunta sa banyo para maghilamos.

Napatingin ako sa repleksyon ko, wala pa ring tigil ang pag-agos ng luha ko. Nadako ang tingin ko sa gilid ng leeg ko. Isang markang makikita lang kung titingnan mo nang mainam.

"Hanggang kailan ka ba iiyak?" tanong ko sa aking kaharap.

"Bakit ba ayaw mong kalimutan na lang ang nangyari noon?" tanong ko muli pero alam na alam ko ang sagot.

"Hindi ko kaya."

**

"Rixie, bakit ang tamlay mo? May sakit ka ba?" tanong ni Andrea. Umiling ako at saka tumingin sa labas.

Hindi na ako kinulit Andrea. Pagdating ng vacant ay hindi rin ako sumabay sa kanila. Wala akong gana at saka gusto ko sanang tapusin ang ginagawa kong regalo para kay Andrei pero halos wala naman akong nagawa dahil natulala lang ako. Pagdating naman ng uwian ay si E.A ang sumundo sa akin.

"Sa tingin mo ba maitatago ng concealer ang pamumugto ng mata mo?" tanong ni E.A. Hindi ako sumagot dahil siguradong aalamin lang niya kung bakit mugto ang mga mata ko. Hindi na rin naman siya nagtanong ulit.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon