Lumipas ang ilang araw at walang pagbabago sa set up namin ni Andrei. Ewan, hindi ko alam kung bakit pero gusto ko muna sanang malayo sa kanya, pero pakiramdam ko naman ay may kulang kapaghindi ko siya nakikita. Ang totoo niyan iniisip ko na baka galit sa akin si Andrei dahil sa ginagawa ko sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang ako at yumuko sa mesa. Nasa cafeteria kami ngayon. Tinatamad ako.
"Wala ka bang balak kumain Rixie?" tanong ni Kyunie nang makaupo siya sa tapat ko.
"Bibili na." sabi ko akmang tatayo pero biglang may naglagay ng pagkain sa harap ko. Agad kong tiningnan kung sino yun at nakita Andrei.
"Hindi ba hindi namin kayo kasabay ngayon?" Tanong ko, mamaya pa kasi ang vacant nila.
"Dumaan lang ako dito, may pinakuha ang prof. Sige, alis na ko. Kainin mo yan." sabi niya at umalis.
Habang tinitingnan ko siya palayo ay hindi ko maiwasang mapangiti. Mukhang hindi naman siya galit.
"Kinikilig?" napalingon ako kay Kyunie.
"H-hindi ah!" sabi ko saka sinimulan kumain. Pakiramdam ko ang init ng mukha ko.
"May pagkain ka na? Ibinili pa naman kita." sabi ni Andrea nang makabalik sila ni Jj.
"Saan galing ang pagkain mo?" tanong ni Jj.
"Sa admirer niya." sagot ni Kyunie.
"Sino?" tanong nilang dalawa. Napairap si Kyunie.
"Isa lang naman ang admirer niya."sabi ulit ni kyunie napa-ahh na lang si Jj at Andrea. Kumain na kami.
"May gagawin ba kayo mamaya?" biglang tanong ni Andrea.
"Wala naman, hindi rin kami pupunta sa hide out. Bakit?" tanong ni kyunie.
"Aayain ko sana kayong magbar. Tutal walang pasok bukas" nakangiting sabi ni Andrea.
Bar? Hmmm? Hindi ko pa natry punta sa gano'ng lugar.
"Sige, matagal na din simula ng huli tayong nagbar. Saan ba?" tanong ni Jj, mukhang napaisip naman si Andrea.
"Ano ba ang itsura ng loob ng bar?" tanong ko dahilan para mapatingin sila sa akin.
"Hindi mo pa ba natry magpunta ng bar?" tanong ni Kyunie.
"Hindi pa!" nakangiting sabi ko, may curfew kasi ko dati kaya never kong natry pumunta sa ganoong lugar.
"Gusto mo bang sumama?" tanong ni Andrea, mabilis akong tumango.
"Sige, sama ka! Punta tayo sa inyo pag-uwi para mapagpaalam kita." sabi ni Andrea.
Tulad ng sabi ni Andrea ay nagpunta muna siya sa bahay namin at nagpaalam. Pero hindi niya sinabi na sa bar kami pupunta, baka daw kasi hindi pumayag.
"Ako pipili ng isusuot mo!" masiglang sabi ni Andrea nang makapasok sa kwarto ko. Agad siyang nagtungo sa damitan ko. "Wow! Ayos ang mga damit mo, a? Puro branded. Ikaw bumibili nito?" tanong niya nang makita ang mga damit ko.
"Si mom ang bumibili niyan, tapos ang mga bago diyan si E.A. na." Sagot ko. Nakita kong kumuha na siya ng mga damit. Isang short, backless ang pang-itaas at pinatungan ng black jacket na hanggang kalahati lang. Pumili din siya ng flat na sandals.
"Suot mo na yan then ayusin natin buhok mo." excited na sabi niya at hinila ko papuntang banyo. After kong magpalit ay kinulot niya pa lalo ang laylayan ng buhok ko then nilagyan ako ng ligth make-up. Habang inaayusan niya ako ay sinabi niya ang mga huwag dapat gawin pag nasa bar, like huwag daw ako tatanggap ng drinks mula sa iba. Huwag din daw ako aalis ng mag-isa dahil maraming manyak sa paligid. "Ayan tapos na! Ang ganda mo talaga lalo na kapag naaayusan. Tapos bagay na bagay pa sayo ang suot mo!" proud na sabi niya matapos akong ayusan.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...