"Maganda na ba ko?" nag-aalangang tanong ko.
"Oo naman Rixie! Pinanganak ka kayang maganda!" masiglang sagot ng nasa harap ko.
"Hindi naman, e!" nahihiyang sabi ko.
"Pa-humble ka pa diyan! Wag ka nga!" reklamo niya.
"Aba syempre! Masama kaya ang maging mayabang kaya pahumble lang ng konti!" nakangiting sabi ko.
"Konti lang? Parang ganto?" tanong niya habang ginagaya ang hand gesture ng isang special child sa commercial.
"Hala? Hindi mo bagay!" natatawang sabi ko.
"Nakakatuwa kaya ang commercial na yun! Kamukha ng kapatid mo ang mong-" hindi na niya natapos ang sinasabi dahil sa sunod-sunod na kalampag mula sa pinto.
"Hoy, Baliw! Kinakausap mo na naman ang sarili mo! Dalian mo at aalis na tayo!" sigaw niya na nag-echo sa buong banyo at halos magiba ang pinto ng banyo ko sa lakas ng pagkampag niya.
"Oo, nandyan na!" sigaw ko at tumingin sa salamin na nasa harap ko. Napangiti ako, dahil muli ay nagawa kong inisin ang kapatid ko.
"Da best ka talaga ka mang-asar!" nakangiting sabi ko sa aking repleksyon at sinuklay ang mahaba kong buhok gamit ang aking mga daliri. Napailing na lang ako dahil sa mga pinaggagawa ko. Lalabas na sana ako ng banyo ngunit natigilan bago ko pa mahawakan ang seradura ng pinto.
Muling sumigaw ang kapatid ko na nasa labas at ipinaalala niya na huwag kong kalimutan ang gamot ko, kaya dali-dali akong bumalik sa harap salamin. Sa likod ng salamin ay makikita ang bote ng mga gamot ko. Kinuha ko ang mga ito at lumapit sa toilet. Matapos gawin ang mga dapat gawin ay lumabas na ako.
"Ang tagal mo! Next time hindi na ko sasabay sa inyo!" inis na salubong niya sa akin at tumalikod, akmang aalis na ngunit agad ding napahinto.
"Edi kasi huwag kang sumabay. Problema ba yun?" bulong ko.
"May sinasabi ka ba?" mataray na tanong niya habang tinitingnan ako ng matalim. Mabilis akong umiling at hinila siya palabas ng kwarto ko.
Kahit kailan HB lagi si Ashley. Buti pa sila mom and dad ,nakahiga sila dun sa lamesa habang may mansanas sa bunganga.
Joke!
Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa mga kalokohang naiisip ko habang tinitingnan kumakain sila dad at mom.
"Ano ngini-ngiti mo diyan? Ininom mo ba talaga gamot mo baliw?" Napalingon ako kay Ashley dahil sa tanong niya. Nawala ang ngiti ko nang makita ang tingin niyang puno ng pagsususpetya.
"H-ha? O-oo naman!" Sagot ko at lumapit kila mommy ng tawagin niya kami.
Inaya niya akong kumain pero sinabi kong tapos na ko.Pagkatapos naming kumain ay hinatid na kami ni Dad. Naunang hinatid si Ashley bago ako. Magkahiwalay kasi ng unibersity. Ayaw kasi ni Ashley na makasama ako dahil sa KALAGAYAN ko. Pagdating namin sa B.U. ay sabay kaming bumaba ni Dad ng sasakyan, katulad ng nakasanayan ay pumupunta siya sa opisina ng dean upang kausapin ito tungkol sa kalagayan ko. Kinuha ko lang ang schedule ko then nagpaalam na sa kanila. Nasa ikatlong taon na ko ng kursong business administration.
Habang naglalakad papunta sa building ng B.A. ay nilaro ko ang dulo ng aking buhok. Nakatutuwa kasi ako buhok ko, abot hanggang siko tapos kulot ang laylayan kaya nakasananyan ko na paglaruan ito. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa paligid. Madaming estudyante sa paligid dahil ngayon ang unang araw ng pasok. At kapansin-pansin na lahat sila ay nakatingin.
"Iba talaga pag sikat." Bulong ko habang nakatingin sa mga estudyanteng nakatingin sa akin.
'Sikat?'
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...