"Go E.A!" masiglang sigaw ko habang pinapanood si E.A at Andrei na naglalaro. Five minutes na din ang lumipas.
"Bakit gano'n?" takang tanong ni Andrea kaya napalingon ako sa kanya.
"Wow! 4-0 na, bokya pa rin ang bro mo Andrea. Mukhang ako mananalo." pang-aasar ni Jasper. Nagawa pa kasi nilang magpustahan bago ang simula ang laro. Tumingin ako sa paligid at nagsisimula na ring dumami ang nanonood na estudyante.
"Hoy, Bro! galingan mo naman! Nakasalalay sa'yo ang sampung libo ko!" sigaw ni Andrea. Nakita kong napailing si Andrei kaya natawa ako.
"I thought you're good at this? I think it gabriel made a wrong desicion to take you as a member of the basketball team." mapang-asar na sabi ni Edgar habang dinidribble ang bola kaya kita kong napasimangot si Andrei. Kahit kailan talaga ang yabang ni E.A.
"Go Andrei!" sigaw ko, napatingin si Andrei sa akin kaya ngumiti ako, at ngumiti din siya.
"Shut up and play." sabi Andrei. Nagulat ako dahil sa isang iglap lang ay naagaw niya kay E.A ang bola. Mabilis na tumakbo si Andrei at nagshoot!
Napapalakpak ako. Nakikita ko silang nag-uusap pero hindi ko marinig ang sinasabi nila habang nagdidribble si E.A at muli ay naagaw ni Andrei ang bola. Muli akong napasigaw nang muling mai-shoot niya ang bola. Mabilis siyang lumingon sa akin kaya nagthumbs up ako.
"Go, E.A!" sigaw ko para naman suportahan siya. Pansin ko namang napatingin ang ibang estudyante sa akin pati si Andrea.
Napalingon ulit ako sa court ng mapasigaw ang ibang nanonood. Nakita ko na lang si E.A na nakalambitin sa ring.
"Rixie, may favor ako sa'yo." sabi ni Andrea kaya bumaling rito.
"Ano yun?" tanong ko.
"Si Bro lang ang icheer mo, tapos request ka ng three point shot." nakangiting sabi ni Andrea. "Sige na? Dali treat kita ng isang buong cake! Chocolate flavor." sabi niya kaya mabilis akong napatango.
"two minutes left!" sigaw ni Gabriel at saka hinipan ang pito.
"Go Andrei! Magthree point shot ka!" sigaw ko "Kaya mo yan!" pahabol ko pa.
"Hoy Rixie, Bakit siya kinakampihan mo!?" reklamo ni E.A pero nginitian ko lang siya. Itinuon na lang ulit niya kay Andrei.
Binagalan ni Andrei ang pagdi-dribble ng bola at saka sinubukang lagpasan ang pagharang ni E.A ngunit bigo siya at muntik nang maagaw ang bola, pero agad itong naagapan ni Andrei.
"one minute!" sigaw ni Gabriel.
Lalo naging mahigpit ang pagbabantay ni E.A kay Andrei dahil ilang beses itong muntik makalagpas sa kanyang depensa. Lalong naging alerto si E.A pero biglang bumagal ang kilos ni Andrei at lumayo, itinaas ang mga kamay.
Ang akala ko noong una ay fake dahil masyadong malayo ang pwesto ni Andrei pero tinira pa rin niya ang bola.
Pumito na si Gabriel senyales na tapos na ang oras. Halos walang maririnig na ingay sa paligid tahimik ang lahat, may mga namangha at nagulat. Tahimik lang si Andrei at E.A habang habol-habol ang kanilang hininga.
"Ang galing ng Bro ko!" masayang sigaw ni Andrea at tumingin kay Rixie. "Ikaw ang lucky charm! Tara!" sabi niya at hinila ako papunta kila Andrei.
"I can't believe it. I lost." hingal na sabi ni E.A at saka ngumiti. " Underestimating you was not a good idea." sabi niya.
"E.A, hindi ka na pala magaling maglaro, e" napalingon siya sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinuli ako. Napasinghap ako pati na ang mga tao sa paligid ng bigla akong buhatin ni E.A na parang sako.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...