MCG-5 Date

1.5K 27 6
                                    

"I'm here, infront of your house or should I say mansion?" Sabi niya. Automatic akong na napababa sa kama at nagpunta sa balcony para tingnan kung nasa harap nga siya ng bahay namin.

At boom!

Nandoon nga siya, at nang nakita niya ko ay ikinaway niya ang kanyang phone at ngumiti. Nakapolo siyang black pero nakabukas lang yun at sa loob no'n ay white shirt. Faded jeans and rubber shoes na kulay black na converse. Inshort term pwedeng model.

"Bagong gising ka nga. Akala ko pa naman hindi na ko maghihintay pag sinundo kita." Napakurap ako ng muling marinig ang boses niya. Napasuklay ako ng buhok at tinanggal ko rin ang mga morning glory (muta) sa aking mata.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Kahit medyo malayo ay kitang kita ko pa rin ang ngiti niya.

"That's a secret." nanunuyang sabi niya.

"Secret ka pang nalalaman. Siguro sinundan mo ko kahapon, noh?" Tanong ko. Stalker ko siguro siya. Pero gwapo, e! Di ba ang sabi nila pag gwapo admirer. Pero imposible namang admirer ko yan.

"Ofcourse not." bahagya siyang natawa sa tanong ko. "Hinanap ko lang ang location mo gamit ang phone mo. In other words GPS tracking." Paliwanag nya. Napatango ako kahit ang totoo ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya mas napagtuunan ko ng pansin ang tawa niya.

"Wait lang, pupunta na ko diyan!" sabi ko at saka binaba ang phone ko. Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto ko.

Sinuway ako ni mom habang tumatakbo pababa sa hagdan, binagalan ko ang takbo ko at nagtungo sa labas. Nakita ko na siyang prenteng naghihintay habang nakasandal sa kotse niya. May hawak siyang camera at mukhang abalang-abala siya sa pagtingin doon. Ang cool niyang tingnan sa ayos niya.

"Mr. Stranger- I mean Andrei!" tawag ko sa kanya habang palapit.

"Nice. Don't tell me iyan ang isusuot mo sa date natin? Nakakahiya naman sa porma ko." Nakataas kilay na sabi niya at itinago ang camera. Bahagya akong natawa.

"Hindi ah! pasok ka muna sa loob, maliligo pa ko. Don't worry mabilis lang ako." sabi ko at hinila siya sa papasok ng bahay. Nagrereklamo siya pero hinila ko pa rin siya hanggang sa sala namin.

"Hoy baliw, bakit ba ang... ingay... mo?" Mula sa sigaw ay unti-unting humina na sabi ni Ashley. "May bisita pala tayo!" nakangiting sabi niya at lumapit sa akin.

"Manang linda! Bigyan mo na lang ng makakain ang bisita!" sigaw ko at pinaupo si Andrei.

"Bisita? Sinong bisita?" tanong ni mommy na kalalabas lang ng kusina. Patay ako nito.

"Si Andrei pala mom. Schoolmate ko po." sabi ko at tumakbo pabalik sa kwarto ko. Kailangan kong magmadali kasi baka kainin ng buhay nila Ashley at mommy ang bisita ko.

Pagdating ko sa kwarto ko pumunta agad akong banyo. Mabilisang ligo, dahil baka kung anu-ano nanaman ang sabihin ni mommy sa bisita ko. After kong maligo ay nagbihis na ko, bahala na kung anong damit ang masuot ko, nagflat shoes na lang din ako, dahil magmamarathon ako pagbaba.

Nasa hagdan palang ako ay nakita ko na ang nakataas ang kilay ni mommy hanggang kisame namin. Si andrei naman mukhang hindi komportableng kausap si mommy at si Ashley naman kulang na lang ay tunawin ang bisita.

"Mom! Ash!" sigaw ko at dali-daling lumapit sa kanila. Para namang nabunutan ng tinik ang itsura ni andrei nang makita ako. Napatayo naman si mom at halata ang galit. Ano kaya ang sinabi ng lalakeng ito?

"Saan kayo pupunta?" tanong ni mommy sa akin.

"Nagpapasama lang siya sa akin mom. Sige po alis na kami." sabi ko at hinila palabas si Andrei.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon