MCG-42 Bestfriendzone

472 11 0
                                    


Rixie's PoV

"Welcomeback, Rixie!" Pagpasok ko pa lang sa unang klase ay masiglang sigaw ni Andrea sumalubong sa akin.

"Ang ingay mo Andrea." suway ni Jj nang makalapit ako sa kanila.

Napangiti ako. Nakakamiss din pala pumasok. Nakakainip kasi sa ospital tapos limang araw pa akong nanatili doon.

"Ayiee! Namiss ko lang naman kasi siya! Grabe nakakabored kapag vacant kasi wala ka." masayang sabi ni Andrea. Natawa ako nung batukan siya ni Kyunie.

"Ang OA mo talaga! Araw-araw kang dumadalaw sa ospital, kaya sa paanong paraan mo siya namiss?" tanong ni Kyunie at bumaling sa akin. "Okay na ba ang paa mo?" tanong ni Kyunie. Tumango si Rixie.

"Okay na, minsan sumasakit pero hindi na siya maga." sagot ko.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa pagkaconfine ko ng limang araw. Pinagtatawanan nila ako dahil naging mabait at masunurin daw ako.

Mabait naman ako ah! Tapos medyo masunurin din. Natigil lang sila sa pang-aasar sa akin nang dumating ang prof.

Habang lumilipas ang oras at natatapos ang mga klase ay hindi ako mapakali. Hindi ko rin mapigil ang ngiti ko.

Pagdating ng vacant ay nagmamadali na ako sa kakaayos sa gamit ko.

"Kita na lang tayo sa Cafeteria." Paalam ko sa kanila at nagmamadaling lumakad, tinatawag nila ako pero hindi ko na sila nilingon.

Pumunta ako sa isang room at naghintay. Ilang minuto akong nasa labas hanggang sa lumabas na ang hinihintay ko.

"Hi!" Masiglang bati ko sa kanya. Kita ko ang gulat sa mukha niya kaya lalo akong napangiti. Buti na lang talaga at napilit ko si Gabriel na kunin ang schedule ng pasok ni Calix.

"Oh? Hi. What are you doing here? Okay ka na ba?" tanong niya. Tumango ako.

"Oo, at pinayagan na rin akong lumabas kaya pumasok na ko. May pupuntahan ka pa ba?" tanong ko. Alam ko namang vacant din niya kaya hinintay ko siya dito.

"Wala na. Why?" tanong niya.

"Pwede bang sumabay ka na lang sa amin maglunch?" kabadong tanong ko.

"S-sure?" Parang hindi siguradong sagot niya kaya tinitigan ko muna siya. Ngayon ko lang natitigan ng matagal ang mukha niya. Medyo pumayat siya at iba na ang ayos ng buhok niya. Mas nagmature din ang dating niya ngayon. "Saan ba?" natauhan ako dahil sa tanong niya. Ngumiti ako, hinawakan ang kamay niya at hinila.

Masaya ako dahil kasama ko na ulit siya. Hindi man niya ako maalala ngayon, alam kong babalik din ang mga alaala niya.

"Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Mabait sila. I'm sure makakasundo mo din sila." nakangiting sabi ko, tumango siya at tumingin sa kamay namin pero hindi naman niya binabawi.

"Girlfriend kita, am I right?" tanong ni Calix dahilan para matigilan ako. Gusto kong itama ang sinabi niya dahil hindi lang niya ko girlfriend. Ang totoo niyan we're engage, pero ayokong guluhin ang isip niya. "I'm sorry kung na-offend ka sa tanong ko. I just want to make sure. Wala kasing binanggit si Mama dati, ngayon lang nila sinabi na may girlfriend ako at engage na kami. Actually, naguguluhan na ako." malamig na sabi niya.

Matagal akong nag-isip ng sasabihin pero paano ko ba ipapaliwanag kung hindi ko rin alam kung ano kailangan kong sabihin sa kanya.

"Magpapakilala na lang ako." Sabi ko, ito ang ideyang pumasok sa isip ko. "By the way I'm Rixie Flaire Arzon, Xie ang nickname na binigay mo sa akin. Ako ang girlfriend mo at ang sabi mo sa akin noon ako ang first love mo. Hindi mo man ako maalala ngayon. Sisiguraduhin kong ipapaalala ko sa'yo ang lahat!" determinadong sabi ko.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon