MCG-3 Deal

1.5K 33 5
                                        


"Oh my god!"

Napasigaw ako sa gulat nang biglang lumitaw sa harap ko ang isang lalaki. Galing siya sa bubong ng pinasukan ko. Tiningnan ko siya at doon na pagtanto kung sino siya.

"Mr. Stranger!" sabi ko at nakahinga ng maluwag dahil hindi siya multo. Pero napansin kong nakakunot-noo siyang nakatingin sa akin. May dumi ba ko sa mukha?

"Umiiyak ka na naman?" Tanong niya. Nagulat ako nang pinunasan niya ang luha ko gamit ang thumb niya tulad ng ginawa niya kahapon.

"H-ha?! Ahm... w-wala lang 'to. Sige alis na ko!" paalam ko akmang aalis na pero hinawakan niya ko sa braso kaya natigilan ako. Tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso at agad niya iyong inalis nang mapansin na nakatingin ako dun.

"Ikaw din ba ang nandito kanina?" tanong niya.

"Nandito ka rin kanina? Wala ka bang pasok?" tanong ko. Hindi siya sumagot. "hala ka! nag-cut ka!" sabi ko.

"How about you? Why are you here? Cutting class din?" tanong niya. Mabilis akong umiling

"Hindi ah! Vacant kaya namin " sabi ko.

"Ahh... Vacant na din naman namin." sabi niya. Binalot kami ng katahimikan dahil hindi na ko nagsalita.

'Ang awkward naman.'

"Ano nga pala ang sinasabi mo kaninang nawawala?" pambasag niya sa katahimikan.

"Isang mahalagang gamit." sabi ko at tumingin lang sa kanya. Pansin ko lang ang dami atang kumakausap sa akin ngayon.

"Anong gamit?" Tanong niya muli. Teka! Bakit ba niya tinatanong?

"Basta mahalaga siya! Sige alis na ko. bye mr. Stranger!" sabi ko at akmang aalis ulit pero pinigilan niya ulit ako.

"You really can't remember me?" Tanong niya, medyo natigilan ako. Oo nga pamilyar siya sa akin.

"Huh? Nagkita na ba tayo dati?" tanong ko sa kanya at sinubukang alalahanin, pero hindi ko talaga matandaan. "Saan?" tanong ko ulit.

"Hulaan mo." Nakangising sabi niya. Eh? Pinagtitripan ata ako nito.

"Mr. Stranger hindi ako manghuhula, kung ayaw mong sabihin okay lang. Sige alis na ko ha!" paalam ko at naglakad na.

"Kung gusto mong makita ang hinahanap mo. Balik ka dito mamayang five." sabi niya habang sinasabayan ako ng pagbaba sa hagdan. Napatigil ako.

"Hoy! Mr. Stranger ano ibig mong sabihin?" tanong ko.

"You'll know it later." Nakangiting sabi niya at kumindat. "Exact five dapat nasa rooftop ka na. Kung hindi? Hindi mo na makikita ang hinahanap mo." Sabi niya at tumakbo palayo.

'Dapat nasa rooftop na ko? Kundi hindi ko makikita ang hinahanap ko?' Naiwan akong nakatunganga sa hagdan. Nagsimula na lang ulit akong maglakad patungo sa susunod kong klase. Hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi ni Mr. Stranger. Ano kayang ibig sabihin niya? Na kapag pumunta ko mamaya makikita ko ang hinahanap ko.

"Pupunta ba ko?" Tanong ko sa sarili ko. "Posible kayang matulungan niya kong mahanap ang sketchbook ko?" Tanong ulit sa sarili ko.

'Hindi kaya may powers siya?'

'Pero imposible naman yun!'

'Manghuhula siguro? Ewan!'

'Paano pala kung engkanto pala siya?

'Tapos kikindapin ako at dadalhin sa mundo nila?'

"Ang gwapong engkanto!" Nangingiting sabi ko, pero kung engkanto nga siya sasama ba ko?

My Crazy GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon