Rixie's PoV"Pare, mukhang puyat na puyat, ah?"
Napalingon ako kay Andrei na nasa gilid ko dahil sa tanong ng kasama niya. Sakto namang nakatingin siya sa akin kaya mabilis siyang tumingin sa nagtanong.
"Hindi ako nakatulog ng ayos." tipid ng sagot niya kaya napatigil ako sa paglalakad.
Papunta kami ngayon sa pampang. Hindi dapat ako sasama pero pinilit ako no'ng mga kasama ni Andrei. Ni hindi pa ako pumapayag ay hinila na nila ako. Pinakilala na ako ni Andrei sa mga kasama niya pero ni isang pangalan wala akong natandaan.
"Bakit? Nakascore ka ba?" mahinang tanong ng isa pa. Hindi ko nagets pero biglang minura ni Andrei iyong lalaki at kinuwelyuhan. Mabilis na pumagitna ang iba.
"Chill lang mga brad! Andrei, nagbibiro lang si Jin." paliwanag ng isang lalaki at inilayo si Andrei. Lumapit sila sa akin habang pinapakalma noong lalaki si Andrei.
"Hi! Miss, may itatanong ako. Ang buhok mo ba noon ay mahaba at itim?" tanong ng lalaki, tumango ako. "Sabi ko na! Kaya pamilyar ka!" nagtataka akong tumingin sa kanya.
"You know her?" mariing tanong ni Andrei. Mukhang masama ang timpla niya, kanina rin pag gising ko ay ganyan na siya.
"Well, hindi kami magkakilala pero nagkita na kami sa galleria. Then bumili siya ng picture." paliwanag niya. Doon ko napagtanto na pamilyar nga siya at siya ata ang binilhan ko noong picture. Iyong lalaking weirdo.
"Which picture?" kunot noong tanong ni Andrei. Pansin ko ang pagkawala ng kulay sa mukha ng lalaki. Parang may nalaman si Andrei na hindi niya dapat malaman.
"H-ha? May sinabi ba ako?" tanong niya. Bumaling sa aking si Andrei
"Alin doon ang binili mo?" tanong niya.
"T-teka pare. Ngayon ko lang napansin hindi pala siya iyong sa galleria..." bumaling ulit siya sa lalaki. "Kung tama ang pagka-alala ko nakita ko siya sa secret fi-"
"Manuel!" mariin at may pagbabantang sabi ni Andrei. Mabilis na tumalikod iyong Manuel at humarap sa mga kasama.
"Okay, guys dito na tayo. Mag-set na kayo." sabi niya at mabilis na lumayo sa amin. Naguguluhan man ay hindi na ako nagtanong. Hindi na rin ako nag-abalang lumapit kay Andrei para hindi ko siya maabala sa gagawin niya.
Naglibot na lang ako sa paligid habang abala sila. Ang ganda sa lugar na ito, ang ganda ng tanawin. Kita ko ang mga matataas na bundok, hindi ko alam kung ano at saan ang mga iyon pero kita sila mula rito. Sakto rin naman ang punta namin, maaga pa kaya ang sikat ng araw ay tumatama doon. Nakakamangha na kahit ang layo ng mga bundok ay kitang-kita pa rin ang kulay nito. Berde ito dahilan upang mas naging kaaya-aya sa paningin. Mabuti na lang talaga at hindi na umuulan at maaliwalas na ang langit.
Nakita ko ang isang troso sa tabing dagat kaya doon ako naupo saka hinayaan ko ang sarili ko na magsawa sa tanawin.
Hindi ko maiwasang maalala si Calix, noon ay madalas kaming mamasyal. Minsan ay malayo rin ang napupuntahan namin at masasabi kong iyon ang mga masasayang alaala na hindi ko makakalimutan.
"Kanina lang nakangiti ka pero ngayon umiiyak ka naman." napatingin ako sa panyong inaabot niya sa akin.
Hindi ako nagsalita at kinuha ang panyong inaabot niya. Tumabi siya sa akin pero maya-maya lang ay tumayo na rin.
"Ahm... hindi mo naman siguro iniisip na pumunta sa dagat? What I mean is dito ka lang ba or maglilibot ka pa?" tanong niya.
"Dito lang." tipid na sagot ko. Tumango siya at umalis. Nakatitig lang ako kay Andrei habang palayo siya. This past few days ay pansin ko na iba rin ang turing ni Andrei sa akin. Siguro ay iniisip na talaga nilang nababaliw na ako.

BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...