MCG-20 Court her

1.1K 17 9
                                    

Andrei's Pov

"Ano plano mo para sa saturday?" tanong ni Devy na kakarating lang.

"Aayusin ko pa ang lugar na pupuntahan namin, mamayang after class para sa saturday okay na." sabi ko. Inalok nila ako ng tulong kaya napangiti ako. Napag-isipan ko na kagabi ang ipapagawa ko sa kanila.

"Now that you mention that... Jas, kayo na lang ni L ang kumanta sa background." sabi ko pero agad na umalma si Devy.

"Hindi kaya bumalik si yolanda kapag kumanta yan?" tanong niya.

"Nope, pagdating sa mga kantahan nagkakaroon ng pakinabang si Jasper." sabi ko kaya napatango si Devy.

"Dapat ba kong magpasalamat diyan sa mapanlait mong pagpuri sa akin?" tanong niya kaya napangisi ako.

"You're welcome dude." sabi ko.

**

Vacant na namin kaya nagpaalam muna ako sa kanila. Pumunta ako sa isang hotel na pagmamay-ari ni Dad. Agad akong pumunta sa office ng general manager para magpaalam tungkol sa plano ko. Nag-utos din siya sa ibang crew para tulungan ako.

"Sir Pogi, hindi naman sa may pagkachismosa ko ha! Ano po bang okasyon?" tanong ni Erica, isa sa mga crew, tatlo silang tutulong sa akin.

"Ang sabihin mo chismosa ka talaga." sabi ni Mitch.

"Well, magko-confess ako sa babaeng mahal ko." sabi ko, saglit silang natigilan pero nagulat ako ng bigla silang magtitili.

"Ang swerte naman niya sir!" sabi ni mitch

"Oo nga! Sayang akala ko pa naman may pag-asa ko sa'yo sir." sabi ni Ericah kaya napatawa ako.

"Sir, sabihin mo lang kung itatali ko na itong dalawa." sabi ni Nathan. Agad syang pinagtulungan ni mitch at ericah. "Aray naman! Nakakahiya kasi kayong dalawa! Pag tayo natanggal sa trabaho." sabi ni Nathan kaya lalo akong natawa sa kanilang tatlo at bumalik sa mga ginagawa namin.

Rixie's Pov

"Andz! Mukha kang adik!" napalingon ako kay Kyunie ng bigla niyang tapikin si Andrea na tulala.

Nandito kami sa bahay nila kasi binisita ko si Love.

"Ha?" wala sa loob na sagot niya.

"Wala ka sa sarili simula pa kahapon." sabi ni Jj kaya napatango ako.

"Andz, may problema ka?" tanong ko. Humarap siya sa akin at nagsalum-baba.

"Wala naman, shockness lang talaga." sagot niya habang nakatingin pa rin sa akin. "Hindi ko matanggap ang mga nalaman ko!" sabi niya kaya napatango ako. Mukhang alam ko na ang tinutukoy niya.

"Ano bang shockness at hindi mo matanggap?" tanong ni Jj, magsasalita na sana siya pero natigil ng biglang tumunog ang phone ko.

"Sagutin ko lang." sabi ko at tumayo. "Hello po." Bati ko sa tumawag.

"Nasaan ka na?" tanong niya.

"Nandito pa po sa bahay nila Andrea. Bakit po?" tanong ko.

"Nandito si Devy at nagpapasama sa isang party." sabi ni mom kaya nagtaka ako. "Grace, want you to come para may kasama si Devy. Pinapunta ko na si Mang arnel para sunduin ka." sabi niya kaya napatango ako.

"Sige po." sabi ko at ibinaba ang tawag.

"Mommy mo noh?" tanong ni Andrea.

"Paano mo nalaman? May powers kang manghula?" tanong ko pero tinawanan niya ako.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon