Nagising ako dahil sa sakit ng sikmura ko. Mukhang nagwawala na ang mga buwaya sa tummy ko.
“Grabe nagugutom na ko!" Reklamo ko. Hindi nga pala ko naghapunan kagabi.
“Sino ba kasing may sabing magkulong ako sa kwarto ko?" Tanong ko at bumangon.
“Sabagay, sino ba naman ang gaganahan kumain matapos ng pag-uusap namin ni Mom." Sabi ko at inayos ang buhok ko. Hindi rin ako nakapagpalit kagabi dahil nakatulog agad ako. Muli akong napahawak sa tiyan ko nang maramdaman ang pagkulo nito. “Makababa na nga!" Masiglang sabi ko pero nahinto ako sa tapat ng salamin. Napabuntong hininga ako ng malalim.
“Hay nako… Rixie bakit ba kasi nasanay kang kausapin ang sarili mo?" Tanong ko sa repleksyon ko. “Kung may nakakarinig sa'yo baka sabihin nilang baliw ka." Natigilan ako saglit sa huli kong sinabi.
“Oo nga pala. Baliw ang tingin ng lahat sa akin." Sabi ko at ngumiti ng mapait. Bumaba na lang ako para makakain. Pagbaba ko ay inasikaso agad ako ng mga maid namin. Mag-isa lang akong kumakain dahil nauuna talaga akong magising kaysa kila mom and dad. After kong kumain ay bumalik ako sa kwarto ko at ginawa ang mga dapat gawin.
"Hoy, baliw aalis na tayo!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Ashley sa labas ng kwarto ko. Akala ko hindi na siya sasabay sa amin?
"Oo, nandyan na!" Sigaw ko saka kinuha ang bag ko, pero natigilan ako ng may mapansing kakaiba sa bag ko. Paraang ang gaan masyado? Nagkibit-balikat na lang ako at lumabas. Hinatid muli kami ni Dad at pagdating ko sa school ay as usual center of attraction na naman ako.
“Iba talaga pag maganda. Takaw tingin." Nakangiting bulong ko. Naglakad na ko papunta sa building ng B.A pero bago pa man ako makaliko ay nakarinig ako ng sigaw.
"Ikaw! Kabago-bago mo pa lang ang feeling mo na!"
Dahil parang pamilyar sa akin ang boses at medyo chismosa ako ay hinanap ko kung saan nanggaling ang sigaw. Napunta ako sa isang sulok ng B.U na tago. Nakita ko ang tatlong babae. Si Misaka at Sapphire kasama ang isang hindi ko kilalang babae.
"What are you talking about?" Matabang na tanong ng babae at akmang aalis pero pinigilan ni Misaka.
"Duh! I'm talking about you. Stupid." Maarteng sabi ni Sapphire at umirap.
"Ouch! Can you just let me go. I'm kinda busy. You know." sabi ng babae at inaalis ang hawak ni Misaka sa braso niya
"Pwede bang tigilan mo ang kaartehan mo. We're just warning you. You don't know us at hindi mo gugustuhing makabangga kami." Pagbabanta ni Misaka. Kung ako yan matatakot na ko. Kilala kasing Bitch ang dalawang yan lalo na si Misaka.
"Pakialam ko sa inyo? And get out of my way." sabi ng babae. Medyo namangha ako sa tapang niya.
“Ang yabang mo ha!" Inis na sabi ni Saphire at hinila ang buhok ng babae. Nataranta na ko dahil pagtutulungan na nila ang babae.
"Hep!" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Aalis na sana ko pero nakita na nila ko. Pinapagalitan ko ang sarili ko dahil nakisawsaw pa ko.
“Mukhang gustong makisali ng baliw nating kaibigan." Nakangising sabi ni sapphire, uh-oh?
"A-ahm huwag n'yo siyang saktan!" tapang-tapangan na sabi ko pero deep inside sinasampal ako ng konsensya ko kasi nakialam ako dito.
“Wow matapang ka ngayon ah?" nangingiting tanong ni Misaka kaya ngumiti din ako yung medyo creepy na ngiti. "Ano nginingiti mo dyan. Malala ka na talagang baliw ka!" sabi ulit niya. Sinimulan kong kapain ang bag ko. Nasaan na ba yun? Inilabas ko na ang kamay ko sa bag ko, at agad nilang napansin yun.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...