Hindi ko alam kung gaano ako katagal ako umiiyak pero ang sakit at ang bigat ng pakiramdam ko. Sobra.
Alam ko namang simula pa noon ako ang may kasalanan sa lahat. Kahit anong sabi ko at pagpapaniwala ko sa sarili ko na wala akong kasalanan ay 'yon pa rin ang nararamdaman ko. Ang pakiramdam na ako dapat ang sisihin dahil sa mga nangyari noong araw na iyon.
"Flaire, tumahan ka na."
Hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa kawalan. Galit ako sa kanya dahil sinaktan niya si Calix.
"Rixie, umuwi na tayo."
Hindi ako kumibo at tumayo pero naubos na ata ang lakas ko dahil nanghihina ang tuhod ko. Kung wala sigurong sumalo sa akin ay siguradong babagsak ako sa sahig.
"Flaire, okay ka lang ba?"
Nang marinig ko ang boses ng sumalo sa akin ay mabilis akong umayos ng tayo at tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Lumakad ako at pinunasan ang luha ko.
"Rixie, hindi diyan ang parking." sabi ni Gabriel at hinila ako pero nagpumiglas ako.
"Gusto kong mapag-isa." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanila. Naglakad ako paalis pero muling may humila sa akin. "Ano ba? Gaano ba kahirap intindihin na gusto kong mapag-isa!" sigaw ko pero agad din akong natigilan ng may yumakap sa akin.
"Alam kong nasasaktan ka. Okay lang na umiyak para mabawasan ang sakit pero hindi namin pwedeng hayaan ka na mag-isa." Muling bumuhos ang luha ko dahil sa sinabi ni Andrei.
Itinaas ko ang kamay ko at hinampas siya sa dibdib.
"Galit ako sa'yo! Sinaktan mo siya! Dapat hindi mo ginawa yun!" sabi ko at muli siyang hinampas. Hindi siya kumibo pero hindi rin siya lumayo. Tinanggap lang niya lahat ng hampas na ginawa ko at hindi siya nagreklamo. Nakayakap pa rin siya hanggang sa unti-unting humupa ang paghikbi ko. Nanghihina akong lumayo kay Andrei, pinunasan ko ang aking pisngi at tinalikuran siya.
"Gusto ko nang umuwi." sabi ko at naglakad papunta sa parking. Mabilis na lumapit sa akin si Gabriel dahil siya ang maghahatid sa akin.
Pagsakay sa kotse niya ay kinuha ko ang phone ko para tawagan si Calix pero hindi siya sumagot. Ilang beses ko pang sinubukang tumawag pero wala talaga.
"Bakit ayaw mong sagutin!" inis na sabi ko at muling tinawagan ang numero niya pero walang sumagot. Pakiramdam ko ay may kung anong nauubos sa kaloob-looban ko. Muli akong napaluha ng maalala ang mga nangyari kanina at ang mga sinabi ni Calix.
"Rixie, tumahan ka na." malumanay na sabi ni Gabriel kaya napatingin ako sa kanya. Nagmamaneho siya pero kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"G-gab, n-naguguluhan ako." sabi ko kaya napatingin siya sa akin at ibinalik sa daan. "Bakit ang laki ng galit ni Tiffany sa akin at anong ibig sabihin niya sa sinisingil sila ni Dad?" tanong ko. Nakita ko ang pag-iba ng ekpesyon ng mukha ni Gab habang nagmamaneho.
"D-don't mind her." sabi niya. Kilala ko si Gab at alam kong may itinatago siya.
"Gabriel, Iyong totoo!" mariing sabi ko. Sakto naman na huminto na siya sa tapat ng bahay namin.
"Rixie, please just move on." sabi niya. Ano ba ang tinatago nila?
Pagbukas ng gate ay agad siyang nagpark sa loob at pagbaba ko ng sasakyan ay tumunog ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot ng makita ang pangalan ni Calix. Muli ay naiiyak na naman ako.
"H-hello, Cah." sabi ko, hindi ko alam kung ano ang unang dapat sabihin.
"I'm sorry to tell you but my brother doesn't want to talk to you." agad kong nakilala ang boses ni Tiffany sa kabilang linya. Napapikit ako.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...