MCG-37 Gift

562 14 4
                                    

Napapikit ako dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko habang nakalapat ang labi niya sa labi ko.

Ngunit bigla akong natauhan at mabilis kong itinulak si Andrei nang magsimulang gumalaw ang kanyang labi, biglang lumitaw ang imahe ni Calix sa isip ko.

Nakarinig lang ako ng malakas na hampas kaya napamulat ako. Nakita kong nakahiga ulit si Andrei at nakatulog na ata muli. Nagtaka naman ako sa kung anong narinig kong kumabog.

“Andrei?" tawag ko sa kanya. Pero tanging ungol lang ang isinagot niya, tapos nakunot-noo pa siya. Bigla tuloy akong kinabahan. Tinawag kong muli si Andrei pero hindi na siya sumagot. Tatapikin ko sana siya sa braso pero nagulat ako nang bigla namang bumukas ang pinto ng kotse.

“Rixie, nahanap ko na ang susi! Oh? May problema ba?" tanong niya, kaya nabilis akong umiling.

“W-wala. Walang problema. Tara na!" sabi ko at umayos ng upo. Hindi na ulit nagtanong si Andrea at sumakay na.

Habang nasa biyahe ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari, may time na mapapahawak na lang ako sa labi ko.

“Rixie. okay ka lang ba?" tanong ni Andrea kaya nakaahon ako sa akin iniisip.

“H-ha? Oo naman." sagot ko. Hindi ko kayang sabihin kay Andrea ang nangyari. Napabuntong hininga siya ng malalim.

“Grabe. Ngayon lang nakaganyan si Bro. Sira talaga sila Sam, buti na lang at walang ginawang hindi maganda si Bro." sabi niya habang nagdadrive.

“O-oo nga… Buti nalang." awkward na sabi ko. Saglit na tumingin sa akin si Andrea saka binalik ang tingin sa harap.

“May tinatago ka sa akin." sabi nya. Dahilan para mataranta ko.

“Ha? Wala!" Tanggi ko, hindi ko talaga kayang sabihin kay Andrea ang nangyari.

“Rixie, sabihin mo na. Halata kasing bothered ka." sabi ni Andrea dahilan para maalala ko ang mga sinabi ni Andrea bago ako halikan ni Andrei.

“Nasasaktan siya." mahinang sabi ko.

“Siya? Sinong siya?" tanong ni Andrea. Tumingin ako kay Andrei mukhang mahimbing na ang tulog. “Si bro ba? Hayaan mo siya. Ginusto niya yan, e." sagot ni Andrea.

“Pero kasi—" hindi na niya ko pinatapos.

“Nakokonsensya ka ba?" tanong niya kaya napayuko ako. “Don't. Hindi mo kasalanan kung bakit siya nasasaktan. Choice niya yan. Sa simula pa lang alam na niya na wala siyang pag-asa pero tinuloy pa rin niya. Sa talang buhay ni Bro ngayon lang siya nafall, ang masaklap sa bangin siya nahulog kaya siguradong masakit kapag bumagsak kasi walang sasalo." seryosong sabi ni Andrea. Iniisip ko pa lang na masasaktan si Andrei ay parang nasasaktan din ako. Bakit ganito?

“Ayokong masaktan siya." Nasabi ko na lang. Simula nang makilala ko si Andrei, ni minsan wala siyang ginawa na ikinalungkot ko. Mabait si Andrei kaya ayoko siyang masaktan.

“Kaya mo bang mahalin siya?" tanong ni Andrea, hindi ako nakasagot. “I think that would be the best way para hindi siya masaktan. Ay ewan! Ang complicated ninyo.” reklamo ni Andrea. “A piece of advice na lang. Don't do anything na makakapagbigay ng hope sa kanya." sabi Andrea saka ihininto ang sasakyan.

Noon ko narealise na nasa tapat na kami ng bahay namin. Nagpaalam na ko kay Andea at sinabihan niya din akong huwag nang intindihin ang mga pinag-usapan namin.

Hinintay ko munang makaalis sila Andrea bago ako pumasok sa gate. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit bago humiga sa kama. Habang nakahiga ako ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari ngayong araw. Muli akong napahawak sa labi ko.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon