"Hindi ka ba talaga sasama sa amin? Hanggang 23 lang naman, eh." pilit ni Andrea pero ngumiti ako ng matamlay at umiling. Inaaya nila ako dahil pupunta sila ng tagaytay.
Ngayon na ang huling araw ng klase dahil Christmas break na. Wala naman akong plano o kung ano, pero ayokong sumama, ayokong sirain ang bakasyon nila dahil lang sa pag-aalala sa akin.
Dalawang linggo na ang lumipas simula ng magkita kami ni Sharizz, hindi na niya ako kinulit at hindi na rin siya tumawag ulit. Naging pabor sa akin iyon dahil kahit papaano ay nabawasan na iniisip ko.
"Huwag mo nang pilitin. Mas gusto niya sa tahimik na lugar." sabi ni Kyunie, nitong nakakaraan kasi ay wala pa rin akong gana sa lahat. Mas gusto kong tumahimik na lang, pero kahit ano yata ang gawin ko ay hindi pa rin maalis sa loob ko ang sakit. Parang may kung anong mabigat sa dibdib ko na hindi ko magawang ilabas.
"Sa sementeryo tahimik! Doon tayo tumambay para sumama si Rixie- ouch naman!" reklamo ni Jasper ng batukan si ni Devy at Jj.
"'Yang mga pagbanat mo na ganyan tigilan mo. Kung ayaw mong dumiretso sa sementeryo!" banta ni Devy. Bahagya akong napangiti, maswerte ko dahil hindi sila nagsasawa sa paglapit sa akin kahit na halos hindi ko na sila nakakausap.
Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay sa kotse na naghihintay sa akin. Habang nasa biyahe ay nanatili ang tingin ko sa labas.
"Mang Arnel, ayoko pang umuwi." sabi ko habang nakatingin pa rin sa labas.
"Rixie, hindi pa rin ba kayo nagkaka-ayos ni Rowell?" tanong niya pero hindi ako sumagot. Narinig ko siyang nagbuntong hininga. "Iha, makipag-ayos ka na sa Dad mo. Kung makikita mo lang siya, napakatamlay niya. Nalulungkot siya kasi galit sa kanya ang paborito niyang anak."
"Ayoko pang umuwi." sabi kong muli. Narinig ko ang muli niyang paghinga ng malalim.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya kaya napa-isip ako. Tumingin ako sa langit at biglang naalala ang isang tagpo.
'Bakit mo naman gustong pumunta ng buwan?'
'Kasi sa buwan walang gravity. Lahat magaan, walang mabigat at saka ako lang ang tao doon.'
'Magaan? Sabagay tama ka do'n. Lulutang ka lang ,e. Pero mahirap din.'
'Paano mo nasabing mahirap kung magaan ang lahat?'
'Hmmm... kasi aanhin mo ang magaan at walang mabigat sa buhay kung nag-iisa ka lang. Bandang huli hindi ka rin magiging masaya.'
Natanaw ko ang isang mataas na building. Agad kong pinahinto si Mang Arnel at bumaba ng sasakyan.
"Maglilibot na lang po muna ako. Tatawag ako kapag uuwi na ako." sabi ko at naglakad na tinatawag niya ako pero hindi na ako lumingon.
Pagpasok ko sa building ay agad kong tinungo ang lugar na 'yon. May kaunting tao pero nananatiling tahimik ang lugar. Tiningnan ko ang paligid at napansin kong maraming nagbago. Iba na ang mga litratong nakadisplay.
Nagsimula akong maglibot sa paligid. Huminga ako ng malalim habang tumitingin sa mga nakasabit sa ding-ding.
"Sayang talaga, hindi pwedeng bilhin 'yon."
Napatingin ako sa daalwang matanda na nakasalubong ko.
"Hayaan mo na nga, humanap ka na lang ng iba."
Tumingin ako sa pinanggalingan nila at naalala ang isang litrato. Agad akong tiningnan kung nandoon pa ang litratong iyon.
Napahinto ako nang muling makita ang malaking litrato na para sa akin ay kakaiba.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...