MCG-18 The Psychiatrist

1.1K 20 6
                                    

"Andz, pansin ko kanina ka pa tulala." tanong ko kay Andrea nang mapansin na kanina pa siya tahimik mukhang malalim ang iniisip.

"May iniisip lang ako." sagot niya at ngumiti. Tinitigan niya ako, kaya bumaling ako sa labas nang makaramdam ng pagka-ilang. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Sa ilang araw na lumipas ay naging usap-usapan pa rin ang pagkanta ko. Hindi ko alam na big deal pa yun?

"Rixie, matanong ko lang kailan pa nagsimula 'yang curfew mo?" Biglang tanong ni Jj. Matapos kong sabihin na gusto ko sanang manood ng karera ni Andrea.

"Sa pagkaka-alala ko two years nang mahigit." sagot ko at tumango-tango pa.

"Meaning, bahay-school ka lang lagi simula noon?" gulat na tanong ni Jj.

"Hindi naman, minsan kasi tumatakas ako at nagpupunta ko sa mall o di kaya sa park." Nakangiting sagot ko.

"Sino kasama mo?" tanong ni Andrea, kaya bahagyang nawala ang ngiti ko.

"W-wala, minsan ay may isa akong nakakasamang maglaro, kaya lang madalang lang yun." sagot ko. Ilang saglit kaming binalot ng katahimikan.

"Kapag gusto mong mamasyal tawagan mo lang ako. Gusto mo gala pa tayo kahit saan mo gusto." nakangiting sabi ni Andrea kaya bigla akong nabuhayan.

"Talaga? Sige! Mamaya ba pwede?" tanong ko, tinawanan muna nila ako bago sumagot. Pinagkatuwaan pa nila ako nang pumayag ako na ilibre sila.

"Dapat pala lagi nating samahan si Rixie." Nakangising sabi ni Kyunie.

Matapos ng usapan naming iyon ay tumingin ako sa labas. Dumating na ang prof pero hindi naman ako sinuway kaya nagpatuloy lang ako pagtulala sa labas.

Napalingon ako sa paligid ng pakiramdam ko ay may nakatingin nakita si Andrea na nakatingin na naman sa akin at mukhang ang lalim ng iniisip.

"Miss Andrea!" Napatalon sa gulat si Andrea nang tawagin siya ng prof.

"Yes, ma'am?" tanong niya.

"You're spacing out." sabi ng prof. Agad naman niyang itinuon ang atensyon sa prof. Pero maya-maya lang ay napansin kong nakatingin na naman siya sa akin.

"Andrea, Ano nangyayari sa'yo?" tanong ni Kyunie, paglabas namin ng room.

"Wala naman. May iniisip lang ako para kasi siyang puzzle na ang hirap sagutan." sagot niya at ngumiti ng makahulugan bago lumingon sa akin.

"Puzzle? Iniisip mo lang siguro 'yong dalawang kasama mo kanina?" tanong ni Jj, biglang napakunot ang noo ni Andrea.

"Sinong dalawa?" tanong ko.

"Dalawang anghel kaya kasama niya kaninang umaga. Gabriel and Miguel." Nakangising sabi ni Jj. Biglang napasimangot si Andrea.

"Anghel? Hindi rin, kapangalan lang ng mga anghel. Mga demonyo kaya sila." sabi niya kaya agad akong umapela.

"Oy, mabait kaya si Gab!" sabi ko pero umiling lang si Andrea.

"Hindi, huwag kang masyadong nagpapaniwala kay Gabriel." sabi niya, pero iginiit ko pa rin na mabait si Gab.

"Alam mo nagtataka talaga ko kung bakit nila sinasamahan ang baliw na yan."

Napalingon ako sa isang grupo ng mga babae nang marinig namin ang sinabi nila. Nasa Cafeteria na kami at nakapila sa counter.

"Baka may mga tama rin." maarteng sabi rin ng isang babae.

Napansin ko namang lalapitan na sana ni Andrea kaya mabilis ko siyang pinigilan

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon