MCG-16 Party

1K 19 10
                                    


"Bakit pati kayo?" tanong ko.

"Kami na lang ang tutugtog para sayo, wala akong tiwala kay Sapphire at Misaka. Siguradong may gagawin sila para ipahiya ka." sabi ni Kyunie.

Pinagpatuloy lang namin ang pagpaplano habang kumakain. Si Jj daw sa lead guitar, si Andrei ang bassist, si Andrea ang drummer at si L sa keyboard.

Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa B.U. pero pagtapak ko pa lang sa university ay rinig ko na ang usap-usapan.

"Gosh! Girl nabalitaan mo ba! Si CG daw ang kakanta bukas sa auditorium!"

"Weh? Kumakanta pala yun? Baka naman magwala lang yun dun."

"Nakakacurious kung ano mangyayari bukas sa event na yun."

"Tingin mo maganda ba boses ni CG?"

"Ang alam ko sila sapphire ang nagsuggest nun."

"What!? Sila misaka na naman? Grabe talaga ang dalawang yun, sa dami ng bubullyhin si CG pa."

"Basta manonood ako bukas. Si CG ang kakanta, e."

"Ang bilis talaga kumalat ng balita dito." komento ni Jj.

"Okay ka lang?" napalingon ako kay Andrei dahil sa tanong niya, mukhang nag-aalala siya kaya nginitian ko siya at tumango.

Buong hapon ay usap-usapan pa rin ang pagkanta ko sa auditorium bukas. Hindi ko alam na big deal pala ang pagkanta sa mga opening ng program?

Nag-ayos na ko ng gamit dahil tapos na ang huling klase ko pero biglang nagvibrate ang phone ko kaya mabilis ko itong inilabas at nakitang tumatawag si mom.

"Hello po." bati ko

"Where are you?" tanong niya.

"Nasa room pa po." sagot ko at sinabit ang bag ko sa aking balikat.

"Tapos na klase mo, right? Hurry up, I'm here at the parking." sabi niya, tatanungin ko pa sana siya pero binabaan niya ako.

"Hindi ako makakasama sa practice." sabi ko sa kanila. Balak sana naming magpractice pero dahil tumawag si mom ay hindi kami matutuloy.

Pagdating ko sa parking ay huminto agad sa harap ko ang sasakyan namin. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si mom na naka-formal attire.

"Get in." utos nya kaya sumakay agad ako.

"Mom, saan ka pupunta?" tanong ko.

"May pupuntahan tayong party." sabi niya. Saglit akong natigilan kasi mali ang dinig ko.

"Mom, bakit kasama ko?" tanong ko, dahil hindi niya ako isinasama sa mga party simula noong maturingan akong baliw.

"I will introduce you to a friend of mine, and she's your ninang. So, kailangan kasama ka." sabi niya.

Nagtataka man ay hindi na ako nakapagtanong dahil huminto kami sa isang mall at agad na lumabas si Mom. Pinasunod niya ako para maibili ng dress na isusuot. Dating make up artist kaya siya na rin ang nag-ayos sa akin. Matapos no'n ay nagtungo kami sa isang pamilyar na mansion.

"Mom, bakit tayo nandito sa bahay nila Gab?" tanong ko, hindi siya sumagot at bumaba na.

"Nice talking, mom." nakangusong bulong ko at sumunod sa kanya.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay nakita kong marami na ring bisita, puro mga nakaformal attire din, pero mas kapansin pansin ang tingin ng ibang bisita sa akin.

Napa-isip na lang tuloy ako kung birthday ba ni Gab or tito Anton, pero hindi naman.

"Hi, gorgeous." napalingon ako sa sumalubong sa amin pagpasok sa loob. It's Dad wearing his black tux. Nakatingin siya kay mom at bumaling sa akin. "Hi, there miss beautiful." bati niya, lumapit ako at humalik sa pisngi niya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon