Napabuntong hininga ako habang papasok sa sumunod kong klase.
"Gab, hindi mo naman kailangang sumunod hanggang sa loob." sabi ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan niyang sumunod hanggang loob.
"I can do whatever I want." nakangising sabi niya at kumuha ng bangko at inilagay sa pagitan namin ni Andrea. Simula kahapon ay binabantayan ako ni Gabriel at simula kahapon ay iritado na si Andrea sa presensya ni Gab.
Pagkahatid sa akin ni Calix noong isang araw ay kinausap ako ni Dad na iwasan ko muna si Calix. Hindi niya sinabi kung bakit at ang masaklap? Inutusan niya si Gabriel na bantayan ako dahil alam niyang hindi ko siya susundin. Mabuti na lang talaga at wala si Calix kahapon kaya hindi ako nagkaproblema, pero kanina ay nagtext siya na sabay kaming kumain. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ano ba tigilan mo nga ako!" napalingon ako kay Andrea na halos yakapin na ni Gabriel, simula kanina ay nag-aasaran na ang dalawang yan. Sa palagay ko ay ito ang dahilan kung bakit enjoy na enjoy si Gab sa pagbabantay sa akin. Hindi rin naman siya masaway ng mga prof dahil takot ang mga ito sa kanya.
"Ayoko nga, nag-eenjoy pa ko." nakangising sabi ni Gab kaya napailing na lang ako at tumingin sa labas. Iniisip ko pa rin kung paano ako makakatakas sa bantay ko mamaya.
Matapos ang klase ay nagpaalam akong magc-cr, hinila ko si Andrea para humingi ng tulong.
"Konting-konti na lang masasapak ko na si Gabriel!" iritadong sabi niya pagpasok namin sa banyo.
"Andrea, tulungan mo kong makatakas kay Gab. Hindi niya pwedeng makita si Calix." sabi ko.
"Bakit ba kasi may bantay kang demonyo?" tanong niya kaya sinabi ko na rin ang dahilan na pinapalayo ako ni Dad kay Calix. "Ano ba yan! Wala man lang valid reason? Minsan ang gulo din ng lahi n'yo." komento niya kaya napatango ako.
"Magulo talaga sila, buti nga wala si Lolo, e. So? tutulungan mo ko?" tanong ko, tumango naman siya kaya halos mapapalakpak ako sa tuwa.
"Ayain mo sa labas si Calix at gano'n din ang gagawin ko kay Gabriel. Lintik lang ang walang ganti." sabi niya, parang may pinaplano siyang gawin kay Gab.
"Sige, thank you talaga Andz!" sabi ko at niyakap siya. Lumabas na kami ng banyo at pumunta sa susunod naming klase. Maya-maya lang ay nakita ko na si Gabreil at lumapit kay Andrea.
Ngayon ko lang napansin na parang may something sa dalawa, pero isinawalang bahala ko na lang.
Dumating ang time ng vacant namin at sumenyas sa akin si Andrea na maghintay lang ako sa isang sulok, tumango ako. Nakita ko siyang lumapit kay Gabriel at kumapit sa braso nito. Nakita kong luminga si Gab sa paligid at parang hinahanap ako. Bago sila makalabas ay sinenyasan ako ni Andrea na okay na.
Hinintay ko na lang silang makalayo bago lumabas ng room. Tinext ko si Calix na magkita kami sa likod ng university.
"Hi." bati ko kay Calix. Ngumiti siya at kinuha ang mga gamit ko.
"Bakit dito tayo nagkita?" tanong niya.
"May problema kasi, si Gabriel binabantayan ako para hindi tayo magkita." sabi ko habang naglalakad kami. Kita ko ang pagtataka sa mga mata niya. "Pinagbawalan ako ni Dad na makipagkita sa'yo at hindi ko alam kung bakit." paliwanag ko kaya napatango siya.
"Then, is it fine na suwayin mo ang dad mo? What if he knows that you meet me?" tanong niya. Napaisip din ako, my dad isn't that bad. Papagalitan niya lang ako at magsosorry ko then okay na kami.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...