MCG-11 Puppy Love

1.2K 24 7
                                        

"Huwag kang maingay!" suway ko, noong magtatahol siya paglabas sa cabinet ko. Tumakbo lang siya paikot sa akin.

Inuwi ko siya kahapon, hindi ko natiis ang kacute-an niya. Kulay brown siyang tuta tapos malago ang balahibo niya. Para siyang stufftoy!

Lumapit ako sa kanya at hinimas ang likod niya. Umupo naman siya at mukhang nag-eenjoy. Matapos no'n ay nagpagulong-gulong siya.

"Huwag kang tumahol." sabi ko, nang bigla siyang magtatahol. Huminto naman siya sa paggulong at lumapit sa akin. Kinuha ko siya at pinaupo sa lap ko.  "Ang cute mo talaga." sabi ko at hinimas ang ulit ang likod niya.

Pero iniisip ko kung paano ko siya itatago. Patay ako nito kapag nalaman nila mom na nag-uwi ako ng aso. Allergic kasi si mom at Ashley sa aso.

"Nagugutom ka na ba?" tanong ko nang mapansing ang ingay niya. Iniwan ko naman siya ng tinapay at gatas kaninang umaga.

Tumayo siya lap ko at nagtatalon. Sapalagay ko naintindihan niya ako. Ibinaba ko na si Love. Love ipinangalan ko sa kanya. Bakit? wala trip ko lang.

"Diyan ka lang ha! Huwag kang mag-iingay." sabi ko at lumabas ng kwarto ko.

Binuklat ko ang phone ko ng maramdaman ang pagvibrate at napangiti nang makita kung sino ang nagtext.

From: Gwapong Andrei

Nasa bahay ka na?

Natatawa pa rin ako sa pangalang nilagay ni Andrei sa phone ko. Nakita niya kasi ang pangalan niyang nakasave sa phone ko kaya pinalitan niya. Natawa nga ako sa reaksyon niya no'n,

Me: yup! Ikaw?

Gwapong andrei: nasa bahay na din. Ano ginagawa mo?

Me: papunta sa ref

Gwapong andrei: ha?

Me: what I mean is may kukunin lang sa ref. Ikaw?

Gwapong andrei: ah! nagpiprint ng pictures. Kumain ka na?

Nakarating na ko sa ref at kumuha ng gatas. Napaisip ako kung ano pa ba ang kinakain ng mga aso maliban sa dog food? Bahala na nga! Kumuha na lang ulit ako ng tinapay, sausage at bacon.

"Oh? ma'am nagugutom ka na ba? Huwag na po kayong kumain niyan at maya-maya po ay kakain na kayo." sabi ni Manang linda.

Patay! Mabilis akong nag-isip ng idadahilan.

"Nagugutom na talaga kasi ko. Don't worry, sasabay po ako kila mommy mamaya." sabi ko at nagmamadaling bumalik sa kwarto ko.

Pagbalik ko sa kwarto ko sinalubong agad ako ni love. Ibinaba ko agad ang mangkok at nilagyan ng gatas. Nilapag ko na din ang sausage at tinapay. Umupo ako sa kama at pinanood ko lang si Love habang umiinom ng gatas.

"I can't wait another night to see you, gonna satisfy my sweet tooth." kanta ko nang marinig ang ringtone ng phone ko. "Hello, this is Rixie Flaire how can I help you?" bati ko sa tumawag ng hindi tiningnan kung sino.

“Bakit hindi ka na nagreply?” tanong ng tumawag, tiningnan ko kung sino ang caller.

"Andrei! Bakit napatawag ka?" tanong ko.

“Nothing. Nagtaka lang ako, hindi ka na kasi nagreply.” sabi niya. Nakalimutan kong katext ko siya.

"Ay sorry! May ginawa kasi ko kanina." sabi ko.

Napatingin ako kay love nang bigla siyang tumahol sa harap ko. Ang bilis niyang matapos kumain.

“May aso ka?” tanong niya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon