Epilogue

1K 24 28
                                    


Noon masasabi kong okay na ako. Pinalaki kami ng magulang namin na makuntento kung anong meron at kung ano ang ibinibigay nila. Mayaman ang magulang ko pero hindi nila kami pinalaki sa luho. Kung may gusto kami ay kailangan naming paghirapan iyon.

Mahiyain ako kahit maraming nagsasabi ng mga papuri sa akin. Maganda daw ako, matalino, mabait at masunurin. Iyon ang sinasabi nila at may pagkakataon na madalas akong ikumpara kay E.A at Ashley.

Ayoko ang pakiramdam na ikinukumpara sa iba lalo na sa mga kapatid ko. Ako ang middle child kaya hindi ako gaano napagtutuonan ng pansin. Lahat ng atensyon ay nasa panganay at bunso, kaya parang saling pusa lang ako. Parang tuwing naglalaro kami nila E.A at Gab kasama ang ibang kaibigan nila, lagi lang akong saling pusa.

Ang sabi ni Mang Arnel ako ang paborito ni Dad pero hindi ako pinaniwalaan iyon. Tuwing ipapakita ko ang mataas na grades ko ay ngingiti lang si Dad at itatanong kung ano ang gusto kong reward. Nalulungkot ako pero hindi ko pinapakita. Minsan ay nagkaroon ng event sa school noong elementary ako. Kakanta ako sa stage. Inimbita ko si Mom at Dad pero hindi sila nakapunta dahil nasabay na may sakit si Ashley at si E.A naman ay may game. Nag-sorry sila sa akin at tinanggap ko iyon pero hindi na naalis sa isip ko na mas priority nila ang iba kong kapatid. Kahit na napunta noong na sa Canada si E.A ay lagi siyang bukam-bibig ng magulang ko.


Mula noon ay sinanay ko na ang sarili ko. Walang mangyayari kung magmumukmok ako, ayokong maging papansin kaya mas pinili kong makuntento sa ibinibigay ng magulang ko. Pero may isang tao na nagbigay sa akin ng atensyon na hinahanap ko. Isang tao na kahit sa malayo ay lagi akong binabantay. Alam kong dapat matakot ako sa kanya pero hindi ko maramdaman iyon lalo na kapag nakikita ko siya sa field na kung hindi tulog ay nanonood ng practice ko.

Hindi ko siya kilala pero madalas ko siyang makita sa academy, hindi ko alam kung nagkataon lang pero lagi ko siyang nakakasalubong sa hallway. Alam ko kung anong section siya pero wala akong lakas ng loob para alamin ang pangalan niya, kaya noong minsan na nabanggit ni Zyla ang pangalan niya ay hindi ko maiwasang mapangiti.

Nagpakilala siya noong nahuli niya akong hinahanap ko siya. Tinawag niya akong weird pero imbis na mainis ay parang natuwa pa ako. Pinagbawalan ako ni Gab na makipagkaibigan sa kanya pero hindi ako nakinig. Masaya ako kapag kasama ko siya at pakiramdam ko ay ako lang ang nakikita niya. At kahit ilang beses siyang inaway ni Gab ay mas pinipili pa rin niya akong lapitan.

Umpisa pa lang ay aminado na akong crush ko siya, pero lalong lumalim ang nararamdaman ko habang tumatagal. Lalo akong humanga sa kanya noong nagawa niyang harapin si Dad para manligaw. Pakiramdam ako noon ay napaka-special ko dahil sa mga ginagawa niya.

Naging masaya ako at hindi na lang basta kuntento. Siya lang ang nakapagbigay ng atensyon na hinahanap ko noon. Wala namang naging problema sa pamilya ko kung maaga akong magboyfriend, hinahayaan lang nila ako sa desisyon ko. Sanay naman ako na parang wala lang silang paki kaya hinayaan ko na lang at maging masaya para sa amin ni Calix.

Noon may nagsabi sa akin na ang sobrang saya ay may kapalit na lungkot. Sa tingin ko ay totoo 'yon dahil makalipas lang ang dalawang taon matapos kong makilala si Calix ay inilayo siya sa akin.

Pakiramdam ko noon ay nag-iisa ako sa isang madilim na kwarto. Kinuha nila ang taong mahal ko na nagpaparamdam sa akin na importante ako. Kinuha nila ang tao na nagpapasaya sa akin.

Hindi ko maalala kung ilang buwan ang lumipas pero ang sakit na nararamdaman ko ay hindi na naalis, hanggang sa mapansin kong may nagbago sa paligid ko.

Lahat ng atensyon ay nasa akin pero ibang atensyon ang ibinibigay nila. Tinitingnan nila ako na puno ng awa sa kanilang mata at paulit-ulit nilang sinasabi ng gagaling din ako at matatanggap ko ang pagkamatay niya.

Mas lalong sumakit ang nararamdaman ko. Iniisip ng pamilya ko na nasisiraan ako ng bait kahit ilang beses kong sinabi na hindi ako baliw.



Para sa iba mabilis lang ang usad panahon, pero para sa akin ay napakabagal ng tatlong taon. Hindi ko nga alam kung anong klase ang buhay meron ako, wala akong kaibigan, malayo ang loob ko sa pamilya ko at kung hindi pa ako tatakas ay siguradong bahay at school lang ako. Kahit ganito ang nangyari sa akin ay umaasa pa rin ako na babalik siya.

'Kapag may tiyaga may nilaga.'

Siguro dahil nakita ni lord ang pagtitiyaga ko ay binigyan nya ako ng nilaga-este reward. Binigyan ako ng mga kaibigan na handang umunawa sa akin kahit baliw ang tingin ng lahat sa akin.

Unti-unting naayos ang lahat, ang gusot sa pamilya ko at pati na rin ang tingin ng ibang tao sa akin. Dahil sa mga kaibigan ko hindi na ako ang baliw na iniiwasan noon. Kahit papaano ay naging kuntento at masaya na ulit ako. Pero tingin ko ay may timbangan na nakakabit sa akin. Dahil tuwing magiging masaya ako ay siguradong may kapalit iyong lungkot para maging balanse.

Bumalik siya.

Masaya na sana ako pero hindi naging lubos dahil hindi niya ako maalala- wala siyang maalala na kahit ano.

Napaisip tuloy ako, pinanganak siguro akong malas.

Ginawa ko naman ang lahat. Naghintay ako, sinubukan kong ipaalala sa kanya ang tungkol sa akin. Ipinaramdam ko sa kanyang mahal ko siya pero sa huli ay nagalit lang siya sa akin.

Sabi ng mga kaibigan ko wala akong kasalanan pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Masakit-sa sobrang sakit ay kahit gaanong kahigpit ang kapit ko sa kanya ay wala akong magagawa kundi ang bumitaw.



**

Napatingin ako sa pinto nang makarinig ng mahinang katok. Purong puti ang nakikita ko sa hindi pamilyar na kwarto. Napapikit ako nang makaramdam ng kirot sa aking sentido.

Sinubukan kong bumangon pero biglang nanlabo ang paningin ko. Pakiramdam ko ay inuuga ang kama ko o talagang gumagalaw lang ang paligid ko?

Napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon. Nakita ko si lolo na may kasamang mga nakaputi.

"Lo, bakit tayo nandito?" mahinang tanong ko at napapikit dahil sa sakit ng ulo ko. Lumapit sa akin si Lolo at hinaplos ang kaliwang pisngi ko.

"Dito ka muna hanggang sa maging okay ka na." mahinang sabi niya. Kitang kita ko ang awa sa mga mata niya.

Tumango ako ng marahan. Siguro tama nga na dito muna ako. May iniabot silang gamot sa akin. Nanginginig ang kamay ko nang kunin iyon at ininomin.


Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng antok. Naramdaman kong gumalaw ang kama.

"Magiging okay ka rin. Tandaan mo nandito lang kaming pamilya mo kaya magpagaling ka."

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon