Friend.
Friend daw pero halos araw-araw kausap sa phone. Kung hindi katawagan, ay katext.
Dalawang linggo na rin ang lumipas simula nang magkita si Calix at Sharizz pero palaging iyon ang bukam-bibig niya. Buti pa ang babaeng yun naaalala niya samantalang sa akin ni katiting ay wala pa ring maaalala.
"Sharizz? I met her on the hospital, one time na nagstay ako sa garden." sagot niya noong tinanong ko kung paano niya nakilala ang babaeng yun.
Marami pa siyang ikinuwento at mukhang naging close nga talaga sila.
"Hi, Rixie!" bati ni Sharizz sa akin. Nagulat ako ng makita siya dito sa bahay nila Calix. Kararating ko lang para sana ayaing mamasyal si Calix.
"H-hello." bati ko at ngumiti ng pilit. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Visiting tita Darlene, you know matagal na din kaming hindi nagkita." masayang sabi niya. Lumabas si Mama darlene at may dalang meryenda.
"Oh? Rixie, Bakit nandito ka?" tanong ni Mama, pakiramdam ko tuloy ay hindi ako welcome dito. "I mean, pinayagan ka ba ng Dad mo na pumunta dito?" tanong niya. Tumango ako at tinanong na lang kung nasaan si Calix. "Nasa kwarto niya, pababa na yun." sabi niya at umupo sa tabi ni Sharizz. Habang nagkukwentuhan sila ay hindi ko maiwasang mainggit. Dati ganyan din kami kaclose ni Mama Darlene. Hindi ko alam kung bakit pero iwas na iwas siya sa akin ngayon.
"Good morning, Cah." nakangiting bati ko kay Calix pagbaba niya. Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.
"Wait! She called you cah. Did I hear it right?" tanong ni Sharizz kaya napatingin kami sa kanya. Tumango si Calix. "She's the girl in your dreams!" masiglang sabi nito. Nagtataka akong bumaling kay Calix.
"Anong panaginip?" tanong ko.
"That's nothing. Before, lagi kong napapanaginipan ang isang babae, and she always call me Cah." paliwanag ni Calix. Bigla akong napangiti. Ako lang naman ang tumatawag ng Cah sa kanya.
"Wow! I think I have read something about that. Sometimes, our dreams are composed of memories in our mind." sabi ni Sharizz at bumaling sa akin. "If he's having a dream of you? Then, may be there's a bigger chance na bumalik ang alaala ni Calix." masayang sabi niya.
Bigla akong nabuhayan. How I wish na bumalik na ang alaala niya.
Nagpatuloy lang ang pag-uusap namin. May mga time na out of place ako dahil they're reminiscing about how they became friends at the hospital.
"You're not jealous, right?" tanong niya pagka-alis ni Sharizz. Siguro ay napansin niyang tahimik ako.
"H-hindi. Wala naman akong dapat ikaselos." tanging nasagot ko, pero kabaliktaran no'n ang nararamdaman ko.
I know wala naman akong dapat ikagalit or ikaselos pero I just can't help it!
Hindi iyon ang unang beses. May time na nainis siya sa akin pero nagsorry naman ako kaya okay na kami.
**
"Haba ng nguso mo." napairap ako kay Andrei dahil sa sinabi niya noong umupo siya sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nasa Cafeteria kasama ang mga kaibigan namin. "Taray." komento niya kaya napatingin ulit ako sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
Balik na ulit kami ni Andrei sa normal. Actually madalang na namin siyang makasama dahil busy daw siya. Busy sa mga nilalandi niya.
Totoo nga ang sinabi nila Andrea noon, na isang flirt si Andrei. Lagi siyang may kangitiang babae at minsan binobola pa niya sa harap namin. Basta flirt siya!
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...