"Mom!" tawag ko sa aking napakagandang ina nang makita ko siya sa sala. Napakunot ang ulo niya ng makita ako. HB agad?
"Saan ka pupunta?" mataray na tanong niya matapos akong tingnan mula ulo hanggang paa.
"Magpapaalam po ako. Pupunta ko sa bahay nila Andrea." nakangiting sabi ko, lalong kumunot noo niya. Dapat ata tumakas na lang ako?
"Bakit?" tanong niya ulit.
"May usapan lang po kami. Tapos tambay na din doon." Nakangiting sabi ko. Pinakiusapan rin kasi ako ni Andrea na kausapin si Andrei. Tatlong araw na ang lumipas simula ng magkagalit sila pero hindi pa rin sila nagpapansinan, ang awkward tuloy kapag magkakasama kami.
At isa pa, gusto ko rin bisitahin si love. Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita.
"Hindi ba araw-araw mo naman silang kasama?" tanong niya, this time nakataas na ang kilay niya.
Magsasalita sana ko ng biglang bumukas ang pinto kaya napalingon kami. Nakita ko si dad na kararating lang at nagmamadaling lumalakad papunta sa hagdan.
"Pa, bakit ang aga mo?" tanong ni mom. Napahinto siya at lumapit sa amin.
"May kukunin lang akong documents sa kwarto, babalik din ako sa office." sabi ni dad at humalik sa pisngi ni mom.
"Mom, payagan mo na ko?" sabi ko kaya natigil sila sa paglalambingan.
"Payagan saan?" tanong ni dad.
"Nagpapaalam na pupunta daw kila Andrea." sabi ni mom, para namang nagulat si dad.
"Whoa!? Nagpapaalam ka?" gulat na tanong ni dad, kaya tumango ako. "Sige, you can go pero ihahatid kita." sabi ni dad. Kaya napangiti ako, pero mabilis siyang sinuway ni Mom. "What? Nagpapaalam ng maayos ang anak natin. Mas mainam na payagan siya kaysa tumakas na naman." sabi ni dad.
Ngayon alam ko na kung bakit nagulat siya. Hindi nga pala ko nagpapaalam kapag umaalis, tumatakas ako kasi kahit alam kong hindi nila ko papayagan.
"Fine." sabi ni mom. Yes!
Hindi na ako nagpahatid kay Dad dahil susunduin ako ni Andrea. Pero tulad ng dati ay may curfew ako ng alas cinco.
"Hi, Rixie!" bati sa akin ni Andrea. Tiningnan ko muna siya, naka-black fitted tee shirt siya, tapos may jacket na nakasampay sa braso niya. Faded jeans din siya at converse na sapatos. Inshort term, Sexy.
"Hi, sexy!" nakangiting bati ko. Natawa lang siya.
"Lets go?" tanong niya kaya tumayo na ako at nagpaalam kay mom. "Nga pala, pupunta din sila Kyunie sa bahay." sabi niya habang naglalakad kami.
"Talaga!? Okay yun." sabi ko. Huminto kami sa labas ng gate at napansin kong walang kotse sa labas. "Nasaan ang sasakyan mo Andz?" tanong ko, ngumiti naman siya at tinuro ang isang cool na motorbike na kulay red and black.
"Sa'yo yan?" Manghang tanong ko, tumango naman siya at sumakay na, inabot niya ang isang helmet sa akin at sinuot ang kanya.
"Rixie, kapit ka, ha!" sabi niya nang makasakay ako. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. "H-huwag mong higpitan. Hindi ako makahinga." sabi niya. Niluwagan ko ang yakap at nagsorry. Agad na niyang pinaandar ang motor, hindi naman gano'n kabilis magpatakbo si Andrea.
"Andz, bilisan mo pa!" sigaw ko para marinig niya.
"Ha? Sigurado ka?" tanong niya.
"Oo! Kaya dali!" sigaw ko ulit. Excited na akong makita si love, at namiss ko sumakay ng motor. Dalawang tao lang ang nag-aangkas sa akin sa motor and I find it exciting kapag sobrang bilis ng takbo.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...