MCG-27 Who is he?

778 18 2
                                    


"Shut your mouth miss Arzon." nakasmirk na sabi niya. Sinarado ko ang bibig kong nakanga-nga. Loading pa ang mga pangyayari at nang maproseso na ng utak ko na hindi ako nanaginip ay napasigaw ako at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit, biglang nagtubig ang mata ko, sobrang namiss ko siya.

"Miss me?" tanong niya at tiningan ako, nagulat siya ng konti ng makitang iiyak na ko. "Hey, Don't cry, don't make a scene." sabi niya. Humiwalay ako at tumango.

"Excuse me sir?" napalingon kami sa kaklase kong nagsalita. Napansin kong lahat pala sila ay nakatingin sa amin. Sila Andrea naman nakatingin sa akin na parang nagtatanong.

"You know CG?" tanong ng kaklase ko. Bigla tuloy akong napakapit sa polo ng katabi ko.

"Who's CG?" tanong niya.

"That girl beside you. She's CG in other words Crazy girl." nakangising sagot ni Sapphire.

"As far I can remember this girl beside me is Rixie Flaire Arzon... and she's not crazy anymore. " seryosong sabi niya.

"Obviously, you know each other. Am I right?" tanong ni Andrea, tumango ako.

"You're right miss beautiful." sabi ng katabi ko at kumindat. Napa'shocks!' naman si Andrea. "I know that you want to know who I am, and miss Arzon will introduce me." nakangiting sabi niya at bumulong sa akin bago umupo dun sa table na nasa harap.

"eh? Paano ko ba sisimulan? Siya si Edgar Allen. Kailan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya.

"3 hours ago..." sagot niya kaya nagulat ako. Kakarating lang niya tapos dito siya dumiretso? "Just continue." sabi niya kaya tinuloy ko ang pagpapakilala sa kanya.

"Galing siya ng Canada. Cum laude sa kursong BSBA major in Business Management. COO sa isang international corp. Ano pa ba?" Tanong ko habang nag-iisip pa ng sasabihin. Nakikinig naman ang mga kaklase ko lalo na ng mga babae. "Best friend din siya ni Gabriel Han, Mabait din siya ng konti, tapos babaero yan. Mahilig siyang magbasketball. Pafall ya-hmmmp!" hindi ko na natapos ang pagpapakilala ko sa kanya kasi tinakpan niya bibig ko.

"I said introduced me, but don't tell everything about me." sabi niya sa akin, tumingin sa wrist watch niya at tumingin sa mga kaklase ko. Nagpaalam na siya at hinila ako palabas hanggang makarating kami sa parking kung saan naghihintay si Gabriel at ang isang matanda na ilang taon ko ding hindi nakita.

Nagmamadali akong lumapit sa kanya at yumakap.

"Lolo, namiss kita." sabi ko.

"I missed you too." sabi niya.

Matapos ang maikling kamustahan ay nagpunta kami sa isang malapit na restaurant at doon pinagpatuloy ang kumustahan habang kumakain.

"Rixie, bakit ba ang bait mo?" tanong ni Gabriel habang palabas kami. Nagkaroon kasi ng gulo sa loob which is involve si Misaka at inabutan ko ng panyo kasi nakita ko siyang umiiyak.

"Why did you asked that weird question Gab?" tanong ni E.A kaya napakibit-balikat si Gabriel.

"Si Rixie ang weird hindi ang tanong ko. Ang babae kasi kanina, yun ang isa sa madalas na bumubully kay Rixie sa B.U." sagot niya at binuksan ang pinto ng kotse.

"Really? I guess namana niya ang pagiging mabait ni Rowell." Nakangiting sabat ni lolo habang nakatingin sa akin kaya ngumiti rin ako.

"Talaga lolo?" natutuwang tanong ko.

"Yes, iha. Mas maraming ugali ni Rowell ang nakuha mo, si Ashley ay nagmana kay Miles." nakangiting sabi niya at tumingin kay E.A na nakasunod lang sa amin. "Etong si Edgar hindi ko malaman kung kanino nagmana." sabi niya habang pailing-iling pa. Natawa naman ako.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon