Rixie's Pov"Hi CG!"
Sigaw ng isang matinis na boses paglabas sa huli klase namin at nakita ko si Ashley na papalapit sa amin.
"Bakit CG ang tawag mo kay Rixie?" inis na tanong ni Andrea.
"Wala nakikiuso lang. Di ba yun ang tawag nila sa'yo dito?" nakangising sabi niya at pilit na pinaalis si Andrea sa tabi ko bago kumapit sa braso ko.
"Wow makatulak naman. Gusto mong isubsob kita diyan." iritadong sabi ni Andrea pero hindi siya pinansin nito.
"Tara na ate, Excited na kong gamitin ang mga cards ni Kuya, uubusin natin pera niya." masayang sabi ni Ashley at naglakad na.
"Babanatan ko 'to! Pigilan ninyo ko!" galit na sabi ni Andrea kaya sumiksik si Ashley sa akin. Hinayaan ko lang sila, wala ako sa mood pigilan sila.
"Sige, sapakin mo lang." Sabi ni Jj at itinulak pa si Andrea. Napabuntong hininga ako at pinigilan sila. Baka nga sapakin nila si Ashley.
"Tumigil nga kayo." Sabi ko.
"Oh? Problema mo ate? Don't tell me badtrip ka pa din sa ginawa ko kagabi?" tanong ni Ashley at ngumisi. Napairap ako.
"Ano ba ginawa mo kagabi? Kanina pa kasi ganyan yan. Walang gana." sabi ni Kyunie.
"Nothing, niloko ko lang siya, kunwari si Andrei ang tumawag pero hindi naman." nakangiting sabi ko.
"Hindi naman ako nabadtrip no'n. Wala lang talaga ako sa mood ngayon." sabi ni ko pero ipinilit pa rin ni Ashley na namimiss ko si Andrei.
"Look how's here." napalingon kami sa likod namin at nakita ang evil duo ng buhay ko. "At talagang nakakapit ka pa kay CG? Layo ka baka mahawa ka. Hindi na kami nakikipagkaibigan sa mga baliw." mataray na sabi ni Sapphire.
"My dear friends sa pagkakaalala ko ay hindi baliw ang ate ko." sabi ni Ashley. I didn't know na kaibigan pala niya si Sapphire at Misaka?
"Ate mo siya?" gulat na tanong ni Misaka.
"Nagiging bingi ka na pala bitch?" mataray na tanong ni Ashley dahilan para mapairap si Misaka.
"Ashley!" Suway ko dahil baka mamaya ay magkagulo pa, pero nginitian lang niya ako.
"Hindi na ko magtataka kung bakit may topak ka minsan. By the way may party mamaya si Keith, sama ka?" mataray na tanong ni Sapphire.
"Sorry, medyo hectic ang sched ko today. May dinner kami with kuya Edgar later. Don't worry mga bitch bawi ako next time." sabi niya, tumango naman sila bago umalis.
"Akalain mo yun, friends mo sila? Infairness terno mga ugali ninyo." komento ni Andrea.
"Kayo rin naman terno mga ugali ninyo. Mga weird." natigilan si Ashley ng tingnan siya ng masama nila Kyunie. "Ahm... Let's go na ate. Uubusin pa natin ang pera ni Kuya. Sama kayo?" Nag-aalangang aya ni Ashley sa mga kaibigan ko.
"Ayoko baka masapak lang kita." sabi ni Andrea at bumaling sa akin. "Rixie, bye na. Try kong tawagan si Bro. Sasabihin ko namimiss mo siya." nakangising sabi niya.
"Hindi ko nga siya namimiss!" reklamo ko pero hinila na ako ni Ashley paalis.
Pagdating namin sa mall ay nagsimula nang magshopping si Ashley. Hindi ko alam kung nakakailang store na kami pero masakit na ang mga binti ko.
"I think mas gusto ko ito." sabi ni Ashley habang hawak ang dalawang dress. Tiningnan ko ang mga dress na hawak niya. Isang red na tube style at isang printed blue na may sleeve at mas mahaba kaysa sa dun sa red.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...