MCG-30 Awkward again.

855 14 13
                                    

"Mahal niya ko?" Tanong ko at nagpagulong-gulong sa kama.

Ilang araw na akong ganito, hindi ko na alam ang gagawin lalo na kapag kasama ko siya. Lagi kong naalala ang mga sinabi niya yun.

Hindi ako nakapagreact o nakagalaw no'n. Natauhan lang ako nang biglang dumating si Gabriel, mabilis kong kinuha ang kamay niya at hinila paalis ng hindi kinakausap si Andrei.

Mula no'n hindi ko pa siya kinakausap ng ayos. Naiilang ako kaya isang pilit na ngiti lang ang isinasagot ko kapag binabati niya ako.

"Aray!" Napasigaw ako nang may biglang dumagan sa akin. Agad kong tiningnan kung sino yun at nakita ko si Ashley.

"Nababaliw ka nanaman?" Tanong niya habang nakapatong sa akin. Ang bigat!

"Ahh... alis ang bigat mo!" reklamo ko habang tinutulak siya.

Simula ng nakabalik ako ay naging okay na kami. Nagkausap kami at talagang naiinggit lang siya dahil puro ako na lang ang nakikita ng magulang namin. Sabi ko nga sana nagbaliw-baliwan din siya pero binatukan niya ako.

"Anong mabigat? FYI ang sexy ko kaya! Sadyang payatot ka lang!" sabi nya at tumayo. "Tumayo ka na nga diyan. Ang baho mo di ka pa naliligo." sabi nya at naglakad paalis.

Tumayo naman ako at nagpunta sa banyo para gawin ang mga dapat gawin. Nang makapagbihis ay kinuha ko na ang gamit ko at bumaba.

"Morning!" bati ko sa kanila.

"Walang good?" tanong ni E.A.

"Wala, bad vides. Nabali ang buto ko sa likod dinaganan ako ni Ashley." sabi ko at umupo sa tabi ni Dad.

"Ang O.A mo!" reklamo ni Ashley. Makikipagtalo pa muna sana ko kaya lang pinigilan kami ni mom at pinakain.

"Rixie, may problema ba kayo ni Andrei?" halos mabuga ko ang kinakain ko dahil sa tanong ni E.A.

"H-ha? W-wala!" sabi ko at uminom ng tubig.

"Tologo? Bakit ka nagbablush?" tanong ni Ashley.

"I'm not!" Tanggi ko pero kumuha siya ng salamin at tinapat sa akin. Shocks! Namumula nga ako. "Mainit lang kasi." pagdadahilan ko.

"Wow! nahiya naman daw ako sa centralized aircon ng bahay natin." sabi ni Ashley. Hindi na lang ko nagsalita kasi napapahiya na ko.

"Tama na yan. Tapusin ninyo na yang kinakain n'yo at malalate na kayo." Utos ni dad kaya hindi na din nagsalita ang dalawa kong kapatid.

Noong ihahatid naman ako ni E.A ay doon niya ako kinulit.

"So? bakit hindi mo pinapansin si Andrei?" tanong niya nang makahinto siya sa tapat ng B.U.

"Sino ba nagsabi sa'yong hindi ko pinapansin si Andrei?" tanong ko, pinapansin ko naman siya, kaya lang... hindi kami nagkaka-uusap.

"Your friends told me." sabi niya, binuksan ko na lang ang pinto ng kotse at lumabas. Nagpaalam na ko at sinara ang pinto, nakita ko pa siyang magreklamo pero hinayaan ko na lang.

Pagdating ko naman sa room namin ay si Andrea naman ang kumulit sa akin.

"Rixie..." kanina niya pa ako tinatawag.

"Andrea, katabi mo lang ako." sabi ko, kasi naman para siyang nawawala kung makasigaw ng pangalan ko, malakas ang loob kasi wala pang prof.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit parang ilang na ilang ka kay Bro?" tanong niya.

"W-wala." sabi ko at nag-iwas tingin.

"Liar! Alam kong meron! Meron!" sigaw niya, napatingin sa amin ang lahat ng kaklase namin kaya binatukan siya ni Jj.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon