MCG-7 Wish granted

1.1K 29 5
                                    


"Rixie, okay ka lang?" Rinig kong tanong ni Andrea at pinagpagan ako. Hindi ako sumagot at tumingin lang kay Andrei. Gusto ko sanang itanong kung kaibigan pa rin ang turing niya sa akin.

"Serves you right! Dahil yan sa pagpapahiya na ginawa mo sa amin. Bye losers!" Humahalakhak na sabi ni Misaka bago sila tuluyang umalis.

"Kyunie, tulungan n'yo ko!" sabi ni Andrea na patuloy pa rin sa pag-alis ng mga langgam. Lumapit na sila sa akin pero umurong ako.

Ang kati ng buong katawan ko at kitang kita ang namumula ng balat ko dahil sa dami ng pantal.

"Rixie, huwag kang malikot para mapagpagan kita ng ayos." sabi ni Andrea, pero umurong akong muli at habang nakatingin sa kanya. Umurong akong muli at tumakbo paalis.

"Rixie!" tawag nila sa akin pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Wala akong paki kung ano ang itsura ko ngayon o kung may langgam pang kumakagat sa akin.

Ilang beses nila akong tinawag, pero hindi ako lumingon. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa tapat ng locker ko.

Kating-kati ang buong katawan ko at may nararamdaman pa akong kumakagat sa balat ko, kita ko na rin ang malalaki at namumulang pantal sa braso ko. Binuksan ko na ang locker ko, at kinuha ang isang paper bag.

Naglakad ako patungo sa isang silid. Mabuti na lang at malapit lang ang laboratory at walang klase ngayon. Pumasok ako at nagtungo sa banyo. Hinubad ang uniform ko, may pantal din ako sa ibang parte ng katawan ko. Binuksan ko na ang gripo at nagbuhos para kahit papaano ay mawala ang lagkit at pangangati ng katawan ko.

Matapos kong maligo ay kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng extra uniform ko. Meron ako nito dahil hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito.

Nagbihis na ako at nagpunta sa rooftop para mapag-isa. Pagdating ko doon ay umupo ako sa isang sulok at nagsimulang magkamot. Lalong namula ang balat ko dahil sa ginagawa kong pagkamot pero hindi ko mapigilan dahil sobrang kati.

Napatigil at napalingon sa pinto ng marinig ang pagbukas nito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at mabilis na nag-iwas tingin sa kanya.

"Okay ka lang ba?" tanong niya pero hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa malayo para iwasan ang mga abong mata niya.

"Nangangati pa rin ba?" tanong niya ng makalapit siya sa akin. Hindi ako sumagot pero napanguso ako. Nakita na kasi niya akong nagkakamot tapos itatanong pa.

Napasinghap ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, pilit ko iyong binabawi ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak at sinumulang ipahid ang isang malamig na bagay mga pantal ko. Doon ko napansin na may dala pala siyang ointment.

Habang pinapahiran niya ng ointment ang pantal sa braso ko ay ramdam na ramdam ko ang nanunuot na titig niya sa akin. Hindi ko magawang salubungin ang titig niya dahil natatakot ako sa maaari niyang sabihin.

"The other one." sabi niya at binitawan ang kamay ko at kinuha naman ang isa. Agad akong nakaramdam ng ginhawa dahil sa malamig na ointment at nabawasan na rin ang pangangati.

Binitiwan niyang muli ang kamay ko. Hinaplos niya ang pisngi ko kaya bahagya akong napasinghap at lumayo sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba ng magkasalubong ang tignin namin.

Napakurap ako ng lagyan niya ng ointment ang ilong ko. "A-ako na." nauutal na sabi ko at kinuha sa kanya ang ointment. Sinimulan kong lagyan ang mukha at binti ko.

"Bakit nila ginawa yun sa'yo?" tanong niya, ramdam ko pa rin ang titig niya.

"Hindi ko alam. Baka sinapian sila ng masamang espirito, o di kaya trip nila ko." Sagot ko. Hindi naman siya nagsalita pero kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig niya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon