MGC-23 Not okay

840 18 0
                                    

Rixie's Pov

Pagdating ko sa sasakyan ay nakita ko ulit si Mom.

"Hi, mom! Bakit kasama ka ulit?" tanong ko, tatlong araw na rin siyang kasama ni Mang arnel sa pagsundo sa akin.

"I'm just checking on you." sabi niya at lumabas.

Ibinaba ko ang salamin at dumungaw doon.

"Mom, saan ka pupunta?" tanong ko.

"Mauna na kayo. May kakausapin lang ako." sabi niya at umalis.

Tinanong ko si Mang Arnel kung sino ang kakausapin ni Mom pero hindi din niya alam.

Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Matapos kong magpalit ay humiga ako sa kama ko. Maaga pa kaya hindi ako makaramdam ng antok. Bumangon ako at inilibot ang tingin sa kwarto kong halos walang laman.

Minsan ko nang tinanong si Mom kung bakit wala ang iba kong gamit, pero ang isinagot niya ay para daw yun sa safety ko. Pero narinig ko minsang pinag-usapan ng mga maid na kaya walang gamit sa kwarto ko ay dahil sa pagwawala ko noon.

Nagtaka naman ako dahil wala akong maalala na nagwawala ako noon. May mga bagay akong hindi maalala after nang nangyari sa akin noon.

Umiling ako para hindi ko na maisip pa yun. Bumaba ako para maghanap ng makakain at nakasalubong ko si Dad.

"Nasaan ang asawa ko?" tanong ni dad sa akin.

"Asawa mo na nanay namin? Wala umalis." sagot ko at nagpunta sa ref.

"Saan nagpunta?" tanong niya ulit.

"May kakausapin daw sa B.U." sabi ko at kinuha ang isang gallon ng ice cream sa ref, pero agad akong sinuway ni Dad.

"Sino daw kakausapin ng mommy mo?" tanong niya.

"Hindi ko po alam." sabi ko at nanood na lang ng t.v sa sala. Nakita ko namang inilabas ni dad ang phone niya.

"Hello, nasaan ka?" tanong ni Dad, obviously si mom ang kausap niya. Nakita kong napatingin sa akin si dad at saka lumabas. Ilang saglit bumalik na si dad at tumabi sa akin.

"Rixie, may problema ba?" tanong niya. Napaisip naman ako.

"As far as I can remember wala po!" masiglang sagot ko. "Bakit dad gusto mong magkaproblema tayo?" tanong ko. Parang nakita ko siyang napalunok o imagination ko lang yun?

"H-ha? Huwag anak! Okay na ang walang problema." sabi niya, tumango ako at ibinalik ang tingin sa t.v.

"Hi, dad!" bati ng kararating lang na si Ashley.

"Hello, ashley!" bati ko.

"Ikaw ba si Dad?" mataray na tanong niya.

"Bakit may sinabi ba kong ako si dad?" tanong ko.

"Hindi naman kasi ikaw ang binati ko tapos sumasabat ka." inis na sabi niya.

"Bakit masama bang batiin ka?" Tanong ko.

"Oo! kasi hindi ako nakikipag-usap sa baliw!" Maarteng sabi niya. Natigilan ako.

"Hindi ako baliw!" sigaw ko. Bigla akong nakaramdam ng inis.

"Baliw!" ganting sigaw niya. Magsasalita pa sana ako pero natigil ng isang sigaw ang umalingawngaw sa sala.

"Shut up! At talagang sa harap ko pa kayo nagsigawan?" galit na sabi ni dad at bumaling kay Ashley. "Magsorry ka sa ate mo." utos ni Dad.

"Wala naman akong ginawa kaya hindi ko kailangan magsorry." sabi ni Ashley.

"Mali na sagutin mo nang ganun ang Ate mo. She greeted you nicely so try greet her back in a NICE way." dad said.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon