MCG-32 Ngiti

740 13 3
                                    


Andrei's Pov

Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ni Flaire ng marinig ko ang sigaw niya.

“Anong nangyari?" tanong ko noong makita soyang umiiyak habang nagpupumiglas sa hawak ni Andrea.

“H-hindi ko alam, bigla na lang siyang nagkaganyan." natatarantang sabi ni Andrea at hinarap si Flaire. “Rixie, calm down, okay na." sabi niya, ngunit parang hindi ito narinig ni Flaire at nagpatuloy lang sa pagpupumiglas.

“P-pakawalan mo ko! D-dadalhin ko sa ospital si Calix." sigaw ni Flaire dahilan para matigilan kaming lahat.

“Ano bang sinasabi mo Rixie? Wala diyan si Calix." sabi ni Andrea. Pero tanging iling lang ang isinagot ni Flaire at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak.

“P-parang-awa n'yo na pakawalan n'yo na kami. T-tigilan n'yo na si Calix." sabi niya at pilit kumawala kay Andrea.

Lumapit na ako upang pakalmahin siya ngunit lalo lang siyang nagpumiglas. “Ang sama mo! Bakit ba ginawa mo kay Calix yun? Wala naman siyang ginawang masama sa'yo!" galit na sabi niya kaya nagulat ako. Isinawalang bahala ko ang sinabi niya at lumapit.

“Flaire, huminahon ka, wala dito si C-calix." malumanay sabi ko pero nagpatuloy lang siya sa pagpupumiglas at itinulak ako palayo. Nakaramdam ako ng kakaibang sakit nang itinulak niya akong palayo.

“Bakit ba ayaw ninyo kong pakawalan?! Dadalhin ko si Calix sa ospital." Nanlulumong sigaw niya.

“Andrea, bitawan mo siya." Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Gabriel kasama si Edgar. Agad silang lumapit at sinunod ni Andrea ang sinabi niya.

Tumigil sa pagpupumiglas si Flaire, at napaupo ito sa sahig na parang nauubusan ng lakas. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

“T-tama na. P-pakawalan n'yo na kami." sabi niya. Lumapit na si Gabriel at Edgar sa kanya habang ako ay nakatingin lang at walang magawa.

“Rixie." malumanay na tawag ni Gabriel, dahan-dahan na nag-angat ng tingin si Flaire.

“Rixie, okay na wag kang matakot nandito na si Kuya." sabi ni Edgar at hinawakan ang kamay niya

“E-E.A, G-gab,  si C-calix tulungan n'yo siya." uutal-utal na sabi ni Flaire. Niyakap siya ni Gabriel para pakalmahin.

“Hush… Tumahan ka na, okay na ang lahat." mahinang sabi ni Gabriel habang hinahagod ang likod ni Flaire.

Unti-unting humina ang hikbi ni Flaire pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

“G-gab n-natatakot ako. S-sinaktan nila si Calix, sasaktan din nila ako." nanginginig ang boses niya at halata na ang matinding takot.

Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko rin alam ang gagawin at isa pa pinagtutulakan niya ako kanina.

“Wag kang matakot… hindi namin hahayaan na saktan ka nila." sabi ni Gabriel, tuluyan nang kumalma si Flaire. Inihilig niya ang kanyang noo sa dibdib ni Gabriel at pumikit.

Ilang saglit pa silang nanatili sa ganoong posisyon. Napansin kong nakapikit na lang siya at hindi na umiiyak. Mukhang nakatulog na siya.

“Nakatulog na siya.” sabi ko kaya inayos ni Gabriel ang pwesto nila at binuhat si Flaire. Inilibot ni Gabriel ang tingin sa amin bago magsalita.

“Mas mainam siguro kung umuwi na din kayo." sabi ni Gabriel at tumingin kay Devy. “Sumabay ka na sa amin." sabi nito at naglakad paalis

“Teka! hindi mo man lang ba ipapaliwanag ang nangyari!" Inis wika ni Andrea. Alam kong nag-aalala siya kay Flaire

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon