"G-gusto mo bang lumayo muna ako?"
Nagulat ako sa tanong niya. Bakit kailangan niyang lumayo?
"Huwag! Bakit ka lalayo? May ginawa ba ko? Galit ka ba sa akin?" natatarantang tanong ko. Narinig ko siyang tumawa.
"Wala, wala kang ginawa. Pansin ko kasing hindi ka komportable kapag magkasama tayo." Magsasalita na sana ko pero nagsalita ulit siya. "Well, I'm happy to know na ayaw mo kong lumayo. Good night na my crazy girl."
Magrereklamo pa sana ako dahil sa tinawag niya sa akin pero binaba na niya ang phone niya.
"May topak ka na naman!" sabi ko sa phone ko at itinabi ito.
Humiga ako at napangiti. Maswerte ako dahil intindi ako ni Andrei at kasama ko pa rin sila.
**
Teka? Nasaan ako?
Inilibot ko ang tingin ko, nasa park ako pero bakit walang tao?
"Xie."
Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses niya. Agad akong lumingon sa paligid para hanapin kung nasaan siya.
"Xie."
"Nasaan ka!?" sigaw ko habang hinahanap siya.
Hindi ako maaring magkamali. Kilalang kilala ko ang boses niya. Bigla akong nakaramdam ng saya, lahat ng lungkot at takot ay parang bulang nawala.
"Nandito ako." sabi nya kaya napalingon ako sa likuran ko, nandoon nga siya. Nakangiti siya sa akin. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya, pero habang tumatakbo ako ay may napansin akong kakaiba. Hindi ako naaalis sa lugar ko. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko pero hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko.
Bakit hindi ako makaalis dito?
"Xie..." tawag ulit niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Wala na ang maganda nyang ngiti at unti-unti na siyang lumalayo. Agad akong nakaramdam ng lungkot.
"Huwag! Please huwag kang umalis Cah! Hintayin mo ko!" sigaw ko nang makitang paalis na siya, parang wala siyang narinig at patuloy pa rin siya sa pagtalikod. Nagsimula nang pumatak ang luha ko.
"Please, huwag kang umalis Cah!" sigaw ko hanggang sa unti-unti na siyang naglaho. Pati ang paligid ay naging madilim. Nawala ang kulay luntiang parke na nakita ko kanina. Napaupo ako sa sahig habang patuloy na umiiyak.
"Bakit umalis ka na naman Cah?" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Wala akong magawa kundi ang umiyak kasabay noon ay ang takot na nararamdaman ko dahil sa dilim ng paligid.
"Please, 'wag kang umiyak." sabi ng isang pamilyar na boses. Pero alam kong hindi si Cah ang nagsalita. "Tumahan ka na please. Ayokong nakikita kang umiiyak. Nasasaktan ako." sabi niya, agad akong nag-angat ng tingin. Nagulat ako nang makita na nasa tapat ko lang siya pero hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil madilim. Napasinghap ako nang pahiran niya ang luha ko.
"Tara na?" sabi nya at inilahad ang kamay. Kahit hindi ko siya makilala ay inabot ko ang aking kamay. Napapikit ako ng biglang lumiwanag ang paligid.
Idinilat ko ang isa kong mata para makita kung sino siya, pero hindi ko makita ang buong mukha niya dahil sa liwanag. Tanging ang ibabang bahagi lang ng mukha niya ang kita ko at kitang kita ko ang ngiti niya. Isang pamilyar na ngiti.
"Flaire." tawag niya. Napapikit akong muli nang lalong lumiwanag ang paligid.
**
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
ComédieSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...