Prologue.Dati, I almost have everything. Wala na akong mahihiling sa buhay ko.
I'm happy and contented.
Then dahil sa isang insidente ay nagbago ang lahat.
Maraming nagsasabi na baliw ako.
Ang sabi nila dapat nasa mental ako para gumaling ako.
Ang sabi nila delikado akong tao at dapat hindi hinahayaang lumabas.
Gusto kong magalit. Hindi ba nila alam na dahil sa kanila kaya ako naging ganito?
Ilang beses kong sinabi sa kanila na hindi ako baliw, pero niminsan ay hindi sila naniwala sa akin.
Kaya naman, ito ako ngayon 'if you can't beat them. Join them!' ang peg ko. Wala, e! Kanya-kanyang trip lang yan. Walang basagan.
Pero alam mo ba ang masakit?
Ang ituring kang nasisiraan ng bait kahit hindi naman.
At pinakamasakit sa lahat?
Ang pamilya ko mismo ang nagsasabing baliw ako.
Hindi ba dapat isa ang unang maniwala sa akin na hindi ako baliw?
Pero hindi. Sila pa ang nagsasabi sa ibang tao na wala ako sa tamang pag-iisip.
Ang lupit ng mundo sa akin, noh? Hindi yata kami close ni tadhana at destiny. Wala na nga akong kaibigan, nilalayuan din ng mga tao at higit sa lahat walang umiintindi sa akin.
Dinaig ko pa ang mga emo sa tabi tabi. Kulang na lang ay maglaslas ako, pero dahil wala sa trip ko ang suicide, hinding hindi ko gagawin yun.
Hi! I'm CG/ Crazy Girl, sa mga gustong makakilala sa akin at sa mga kabaliwan ko! Tara! Join me sa sarili kong mundo!
Whahahaha!
Whahahaha!
"Hoy, baliw! Tumatawa ka na namang mag-isa!"
Tss! Sabi ko nga tama na.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...