MCG-26 Back to normal

830 18 0
                                    

"Flaire." Halata ang gulat sa mukha niya samantalang ako ay hindi ko alam kung ano ang irereact. Natutuwa ako na makita siya, namiss ko nga ang kayabangan niya, pero natatakot ako na baka malaman nila mom na nandito ko. Hindi pa ko handang harapin sila. Natatakot ako na maaaring hindi pa rin sila maniwala sa akin, na baka baliw pa rin ako sa paningin nila.

"Flaire, saan ka ba nagpunta? Ilang araw ka na naming hinahanap." sabi ni Andrei. Napasinghap ako ng bigla na lang niya akong yakapin ng mahigpit, hindi ko man lang namalayan na nakalapit na siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko, pero hindi naman na ako nac-cr. Pero tama ba ang dinig ko? Hinahanap nila ko?

Tumingin ako sa mukha ni Andrei. Kita ko ang pagod sa mukha nya at halata rin sa paligid ng mata niya na ilang araw na siyang kulang sa tulog.

"H-hinanap n'yo ko?" tanong ko, nagsimulang magtubig ang mata ko. Ewan ko ba, mixed emotions ang nararamdaman ko.

"Oo. Hinahanap kita-namin, lahat kami naghahanap. We're so worried about you." sabi niya at naramdaman kong humigpit lalo ang yakap niya, parang ayaw na niya kong pakawalan. Nagsimula nang pumatak ang luha ko.

"I-im sorry." yun lang ang nasabi ko at nagsimulang humikbi.

"Shhh... I'ts okay. Nandito ka na, kaya okay na." sabi niya kaya lalo tuloy akong naguilty.

"Ahem! Ahem! Kung hindi naman nakakahiya sa inyong dalawa, talagang sa harap ko pa kayo nagPDA? Sa gitna nang pinto? Baka pwedeng papasukin muna ako?" napalingon kami ay ate na mukhang inip na inip na.

"Ay sorry ate." sabi ko at bumitaw kay Andrei para makaraan si ate chelly.

"Tss! Panira ka naman ate. Ganda ng moment namin!" reklamo ni Andrei. Eh? Moment?

"Nakakasuka kasi moment n'yo. Pasok nga!" utos ni ate kaya pumasok kami.

"Bitter?" tanong ni Andrei

"Hindi siya bitter! Nasobrahan lang sa kape yan!" sabi ko at pinaupo si Andrei sa monoblock chair.

"Kape? Gano'n din yun kasi bitter ang lasa." sabi niya habang inililibot ang tingin sa bahay. "Nandito ka lang pala? Ilang araw na kong naghahanap sa lugar na ito pero hindi kita nakita." sabi niya.

"Imposibleng makita mo siya dito kasi kararating lang namin." sabi ni ate at inihain ang dala naming pagkain. Napatango si Andrei at nakangiting bumaling sa akin.

"Siguradong matutuwa sila pag nakita ka." Sabi niya dahilan para matigilan ako. Kita ko ang pagtataka sa mata niya dahil sa naging reaksyon ko. Nag-iwas tingin ako at napaisip kung kaya ko na bang harapin ang magulang ko.

"Flaire..." tawag niya kaya tumingin ako sa kanya. "Tara na. Ihahatid na kita sa inyo." sabi niya kaya mabilis akong umiling.

"Ayaw ko Andrei." sabi ko.

"Bakit? Nag-aalala sila sa'yo. Kailangan mo nang umuwi." pagpupumilit niya.

"No! Hindi mo naiintindihan. Hindi ako pwedeng umuwi." sabi ko habang umiiling.

"Flaire, hindi ka pwedeng magtago na lang dito. Bakit ba ayaw mong umuwi?" tanong niya.

"Pag-umuwi ako, hindi ko na ulit kayo makikita." malungkot na sabi ko. Muli ay nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Once na umuwi ako, siguradong itutuloy na nila ang pagdala sa akin sa Canada."

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Flaire, sa ilang araw na wala ka, maraming nangyari at sigurado kong hindi ka na nila dadalhin sa Canada." malumanay na sabi niya. Bigla tuloy akong napaisip. Ano nga kaya ang nangyari? "at kung hindi ka pa uuwi baka may mangyaring masama kay Tita." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon