Isang linggo na rin ang lumipas simula nang dumating si E.A, meaning last day na niya dito sa B.U! Happy ako kasi wala ng tatawag sa akin, lagi niya kasi akong tinatawag sa recitation. Nakakapagod mag-upo tayo maya-maya!
Usap-usapan pa rin ang about sa amin ni E.A, masyado ata silang nashock kasi kapatid ko sya? At alam na rin sa buong B.U na hindi na ko kasali sa priority students pero CG pa rin ang tawag nila sa akin.
Tapos napansin ko lang na parang naging magkasundo si E.A at Andrei. Minsan nga nagtatawanan pa sila. Edi sila close.
"Rixie, magpalate ka ng uwi mamaya." biglang sabi ni E.A.
Nandito kami sa garden, hindi namin kasama sila Andrei kasi may klase pa sila. Nagpadeliver lang ng pagkain si E.A, blow out niya dahil last day na niya as a prof.
"Bakit?"tanong ko. Tinatamad pa naman akong gumala ngayon. May gagawin daw kasi si Andrea tapos si Kyunie at Jj naman hindi daw pwede kasi pupuntahan daw nila si Miguel. Si Devy naman may date daw.
"Ipapaayos ko ang room mo." sabi niya. Nagtaka naman ako kasi maayos naman ang kwarto ko.
"Maayos naman ang kwarto ko." reklamo ko. Wala namang sira yun .
"What I mean is lalagyan ko ng laman ang kwarto mo." sabi nya. Tumango na lang ako. Saan naman ako pupunta?
"Gusto mo tambay ka na lang sa gym? Nandoon lang naman ako then hatid na din kita pauwe." suggest ni Gab. Tmango ako.
"Sige, doon na lang ako sa gym." sabi ko kay Gab at tumingin kay Andrea. "Saan ka ba pupunta andz?" tanong ko, pansin ko kasing nagiging abala siya nitong nakakaraan.
"May bibisitahin lang." nakangiting sabi nya, tumango na lang ako pero mukhang nagtataka din sila Kyunie at Jj sa pupuntahan ni Andrea. After naming kumain ay bumalik na kami sa room namin. Kung dati nakaharap ako sa bintana ngayon hindi na.
Pinagbawalan ako ni E.A. Nakakabastos daw kasi para sa isang prof yun kaya nakaharap na ko, saka sinabihan ni E.A ang mga prof na magsumbong sa kanya kapag hindi ako humarap sa kanila. Ang sama ni E.A nuh? Nakikinig naman ako, e.
"Miss Arzon, Please listen!" Napalingon ako sa prof, at nginitian siya.
"I'm listening po." sabi ko, pinagpatuloy naman niya ang pagtuturo niya.
Matapos ang klase ay nagpaalam na sila kaya naman naglakad-lakad muna ako sa B.U. Lahat ng madaanan kong estudyante nakatingin sa akin. Ibang klase talaga ang kagandahan ko hindi kumukupas. Nahahawa na ata ako kay Andrei ng kayabangan?
Napahinto ako noong makita ang evil duo kasama ang isang babaeng nerd pero hindi si Jj yun. Base sa ayos nila ay inaapi nila ang babae. Lumapit ako pra makiusyoso.
"Come on, Huwag kang magsalita na parang kinakawawa ka namin slut." sabi Sapphire at mukhang ang laki ng galit nila doon sa nerd.
"Wala naman akong ginagawa!" sabi nang nerd. Hala? mukhang iiyak na siya.
"Hindi kami tanga katulad iba. Alam na alam ko ang totoong kulay mo." sabi ni Misaka at saka tinulak ang babae. Lumapit ako sa kanila para pigilan sila.
"Tumigil nga kayo!" awat ko. Masamang makialam pero kawawa naman ang babae.
"Huwag ka ngang makialam baliw!" inis na sabi ni Sapphire at hinila ko palayo doon sa nerd.
"Alam mo CG. Hindi ka na namin pinapakialaman kaya sana huwag ka ring makialam sa amin!" sabi ni Misaka at tumingin sa ner-what the? Nasaan na yun? "Ah! Nakatakas na naman! Kasalanan mo 'to!" sabi niya sa akin at nagwalk out.

BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...