Andrei's Pov
Tulad ng sinabi papa ay pumasok si Flaire sa isang kwarto at naiwan ako.
"Jon, bakit mo siya dinala dito?" seryosong tanong niya. Hindi maririnig ni Rixie ang pinag-uusapan namin dahil soundproof ang kwartong pinasukan niya.
"I want to prove something." sabi ko at umupo sa tabi ng mesa niya.
"And you didn't told her that I'm a psychiatrist? Alam mo bang maaari niyang ma-misinterpret ang ginawa mo." seryosong sabi niya.
"I know... But this is the only way to prove that she's not crazy. If you could only see her, kung gaano siya nasasaktan kapag tinatawag siyang baliw. Ang nakakainis lang sinasapo niya lahat at ngingiti." frustrated na sabi ko, I don't know why am I so affected with this.
"It's her decision Jon. She has a reason." madiin na sabi niya.
"I dont care kung anong reason niya. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan kaya ko 'to ginawa." inis na sabi ko.
"Jon, don't be too impulsive. I know that you are a happy go lucky type, but her case is too sensitive." sabi niya. Napailing ako.
"Pa, I'm not being impulsive here. Matagal kong pinag-isipan 'to. Kung nagpadalos-dalos ako, dapat matagal ko na siyang dinala dito." sagot ko, kita ko ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa labi niya.
"You like her." nakangiting sabi niya dahilan para matigilan ako.
"I don't like her." Nasagot ko na lang.
"Yeah, right! You don't like her 'cause what you feel for her is more than that." Nakangising sabi niya kaya napairap na lang ako.
The truth is... I'm confused.
"Pa, anong result ng tests?" pag-iiba ko sa usapan kaya lalong lumuwang ang ngiti niya.
"Ano ang kaugnayan mo sa pasyente?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko.
"Pa, ano nanaman bang kalokohan yan?" tanong ko.
"This is not a joke Jon. Ano kaugnayan mo sa pasyente?" Pormal na tanong niya.
"Kaibigan ko siya." sagot ko.
"I'm sorry mr. Serrano pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ang result." seryosong sabi niya kaya napamaang ako.
"What?! Bakit?" Tanong ko.
"We have this kind of rule na bawal ipaalam sa iba ang naging result ng test, unless relative ka ng pasyente or asawa ka." sabi ni Papa, but I know him better.
"You really like annoying me." nasabi ko na lang ng bigla siyang ngumisi.
"Not really, but it's nice to know that you cared for her and you're not being impulsive." nakangiting sabi niya.
"Pa, I'm serious here." Walang ganang sabi ko.
"I know, seryoso din ako. Jon, what if the result show that she is crazy. What will you do?" seryosong tanong papa.
"You should retired. Hindi siya baliw, end of conversation." Sabi ko
"Retired agad? Pangmatanda lang yun." natatawang sabi niya.
"Matanda ka na." sabi ko dahilan para matigil sa pagtawa at umirap.
"Okay, wala pang final result. I need to meet Dr. Javier para kunin ang medical records ni Rixie. And a piece of advice Jon. Huwag mo siyang hahayaan na mag-isa, nasa weak state siya emotionally. I'm sure na nakaranas siya ng matinding depression. Any moment maaari siyang magka-emotoinal breakdown." seryosong sabi niya. Tumango ako, I know that she is not okay emotionally, kaya naiinis ako kapag ngumingiti siya pero kabaliktaran ang nararamdaman niya. "Okay, pwede na kayong umalis. At nga pala nagcut ka na naman, baka gusto niyong ibalik ko kayo ni Jen sa lolo n'yo?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...