MCG-13 Boyfriend

1.1K 26 6
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nang magpunta ang mga kaibigan ko sa bahay. Balik na muli sa normal. Kinakausap ko na sila mom pero kapag may itinatanong lang sila saka ako sasagot.

At sa ilang araw na yun ay napansin ko rin na masyadong matanong si Andrea. Tinatanong niya kung bakit ako nilayuan ni Gab, kung bakit baliw ang tingin ng lahat sa akin. Lahat ng tanong niya ay hindi ko nasasagot pero hindi niya naman ako pinipilit magsabi.

Dahil doon naging mas komportable kong kasama si Andrea. Para kasing naiintindihan niya ang sitwasyon ko kahit wala akong sinasabi.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papunta sa una kong klase. May kasalubong akong dalawang babae. Iiwas sana ako pero binunggo nila ako dahilan para mapa-upo ako sa sahig.

"Ano ba! Ang tanga-tanga mo naman. Ang luwag ng daan nangbubunggo ka." sigaw ng isang babae.

"Sorry, hindi ko sinasadya." sabi ko na lang kahit alam kong sinadya niyang bungguin ako.

"Hindi sinasadya? Ang sabihin mo tinotopak ka lang ng pagiging ba—" hindi ko na niya natapos ang sasabihin dahil dumating si Andrea.

"Subukan mong ituloy ang sinasabi mo, at sisiguraduhin kong magiging impyerno buhay mo." banta niya at
tinulungan akong tumayo.

"At sino ka naman? Pwede ba, mind your own business!" sabi ng isa pang babae.

"Mind my own business? Kailan pa naging business ang pang-aaway kay Rixie? Akala n'yo ba hindi ko nakita na sinadya n'yo siyang bungguin." Inis na sabi ni Andrea dahilan para matahimik sila. "And by the way I'm Andrea your worst nigthmare. Pwede kong pumunta sa dean ngayon at sabihing na inaaway n'yo si Rixie. Tingnan lang natin kung hindi kayo masuspend or worst expelled. Pwede rin namang ako ang harapin n'yo. Tingnan natin kung may mukha pa kayo bukas." Pagbabanta ni Andrea habang tinitingnan ng masama ang dalawang babae na dahan-dahang umaatras hanggang sa tumakbo na paalis. "Rixie okay ka lang?" tanong niya nang bumaling siya sa akin.

"Oo, okay lang ako. Salamat." sabi ko. Naglakad na kami papunta sa room.

"Rixie, bakit hindi ka lumalaban kapag may nangbubully sa'yo?" tanong ni Andrea nang makarating na kami sa mga upuan namin.

"Hindi pwede. Iba ang mangyayari kapag lumaban ako." sagot ko at ngumiti ng matamlay.

"Ano bang mangyayari kapag lumaban ka?" napalingon kami sa nagtanong. Si kyunie kasama si Jj.

"Basta masama." sabi ko, magtatanong pa sana sila pero dumating na ang prof. Tumingin ako sa labas at naalala ang pangyayari noong minsang lumaban ako sa mga nambubully sa akin.

"Sa gym na tayo." napagitlag ako ng maramdaman ang pagtapik ni Andrea sa balikat ko. Masyado pala akong napaisip sa mga naalala ko.

Pagdating namin sa gym ay naghanap agad kami ng maupuan. Hindi namin kasama si Kyunie at Jj dahil may kakausapin daw sila.

"Rixie, may ipapakita nga pala ko sa'yo." sabi ni Andrea saka inilabas ang maliit na container sa bag niya.

"Ano yan? Pagkain?" tanong ko. Natatawa talaga ako sa reaksyon nila kapag naghahanap ako ng pagkain.

"Hindi, ito si ollie, ang baby ko." sabi niya at binuksan ang container na maliit. Inilabas niya ang ang isang bagay na tingin ko ay kasing haba ng ruler. Kulay yellow na may halong red. "Ang cute niya noh?" tanong niya at inilapit sa akin yun. Tinitigan ko muna yun ng mainam.

‘Totoo ba yun?’ tanong ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin dun.

"Gusto mong hawakan? Don’t worry hindi nanunuklaw 'to." sabi niya at inilagay yun sa kamay ko. Bigla akong kinilabutan dahil ang lamig no'n. "Ay! wait lang may kukunin ako." sabi niya at sinimulang buklatin ang bag.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon