MCG-45 Song of his heart

479 16 0
                                    


Andrei's PoV

"Ano bro, kaya pa?"

Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses ni Andrea. Nakangisi ang loko pero alam kong nag-aalala lang siya.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at kinuha na lang ang camera na malapit sa kanya. Tiningnan ko ang mga lumang picture na naroroon.

Halos isang linggo ko na ring inaabala ang sarili ko sa kung anu-anong bagay o tao, pero kahit ano yata ang gawin ko ay hindi ko pa ring maiwasan na tingnan si Flaire. At kung paano siya kasaya kasama ang Calix na 'yon.

Gusto kong lumayo pero hindi ko magawa dahil nangako ako na magiging magkaibigan pa rin kami. Kapag lumayo ako ay siguradong magtataka siya.

"Tara na." Aya ko na lang sa kakambal ko at lumabas ng bahay.

Pagdating namin sa Restobar ay agad kaming sinalubong ni Jasper. Kaunti pa ang tao dahil maaga pa at mamaya pa ang pinaka simula ng party.

Naupo kami sa isang pabilog na couch malapit sa stage kung saan naroon na si Jj, kyunie at L.

"Wala pa sila?" Tanong ni Andrea kay Jasper.

"Nandyan na!" Sabi nito habang nakatingin sa entrance kung saan kami pumapasok kanina. Dumating na si Rixie kasama si Devy, Gabriel at Edgar. Agad silang lumapit sa amin. "Order na kayo. Sagot ko lahat." sabi ni Jasper at umalis para asikasuhin ang magiging program.

Samantalang kami ay naging abala sa pagkain at pag-inom. Halos lumipas na ang kalahating oras bago nagsimula ang program. Tinawag kami sa stage at tutugtog. Si Jasper ang vocalist habang si L sa keyboard, si Andrea sa drums, si Jj sa lead guitar at ako ang bassist.

Tanging ang malamig na boses ni Jasper at ang mga tugtog ng instrumento namin ang naririnig sa paligid. Marami na ang tao at kitang-kita ko ang paghanga nila sa boses ni Jasper

Aminado naman akong mas maganda ang boses ni Jasper kaysa sa akin, yun nga lang mas malakas ang appeal ko. Kaya lang yung appeal na yun hindi tumalab kay Flaire. Napa-iling ako sa mga naiisip ko.

Naalala ko noon na may mga talent agency na gustong kumuha sa amin dati. Noon pa man ay naging hobby na namin ang pagtugtog dito at natigil lang noong pinadala kami ni Dad sa states.

"Thank you." Nakangiting sabi ni Jasper matapos ang ikatlong set ng kanta. "Music please." Sabi niya at mabilis na napalitan ng masiglang tugtugin ang background. Bumalik na kami sa mesa kung nasaan ang mga kasama namin.

"Ang ganda talaga ng boses mo Jasper! Sana naging boses ka na lang." Nakangising pang-aasar ni Devy. Napailing na lang ako dahil lagi silang nag-aasaran.

"If I know inggit ka lang. Pumunta ka na doon sa counter." Pagtataboy nito kay Devy na agad ding tumayo.

"Ikaw naman ang mainggit sa talent ko." Sabi niya at nagtungo sa bar counter at pumasok.

Pinatunog ni Devy ang bell sa gilid ng counter dahilan upang mapatigil ang lahat, pati na rin ang background music. Napatingin silang lahat kay Devy at tila inaabangan ang sasabihin o gagawin nito. Kumuha ng dalawang bote si Devy at sinenyasan ang Dj. Isang masiglang tugtugin ang umalingawngaw sa buong restobar kasabay ng pasasayaw ni Devy habang pinapaikot ang mga bote sa kamay. Rinig na rinig namin ang pagsipol ng mga kalalakihan at pagpalakpak ng mga costumer. May mga napapasigaw dahil sa pag-aakalang mahuhulog ang boteng hawak ni Devy.

Tumayo rin ako para kumuha ng mga picture. Lumapit ako sa counter para kumuha ng mga shot ni Devy. Napa-iling ako noong kindatan niya ako at inabutan pa ako ng isang drink na na-mix niya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon