MCG-24 Nawawala

871 16 1
                                    

Ashley's Pov

"Rixie!?"

"Rixie!?"

"Manang nakita nyo na ba!?"

Teka? Ano na naman bang nangyayari? Bakit nagsisigawan na naman? Hindi pa ba tapos ang kadramahan sa bahay na ito?

Nandito ko sa kwarto ko. Hindi na ako pinapasok ni Dad sa school para daw maihatid namin sila mommy mamaya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kanina.

Gusto ko sanang lapitan si Ate kanina at kausapin si mommy pero bago pa ako makalapit ay tiningnan ako ng matalim ni mommy. Wala akong nagawa kundi ang mag-iwas tingin kay ate.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko silang nagkakagulo. Para silang may hinahanap.

"Ma'am wala po talaga." sagot ng isang maid.

"Manang linda, Ano bang sinabi niya sa'yo?" tanong ni mommy.

"Ang sabi niya ay kakain lang daw siya." sabi ni manang linda. Ano bang nangyayari?

"Mom, bakit parang nagkakagulo kayo?" tanong ko, lumapit naman si Dad.

"Ma, tiningnan ko na lahat ng kwarto pero wala siya." sabi ni dad.

"What!? Lumabas kayo baka nasa malapit lang siya!" utos ni mommy.

"Mom! Dad! Ano na naman bang problema!" sigaw ko. Hindi kasi nila ko pinapansin, e!

"Nawawala ang ate mo." Mabilis na sabi ni dad at umalis.

"What!? Saan nagpunta?" Gulat na tanong ko.

"Seriously? Ashley, tinatanong mo kung nasaan ang ate mo? Kakasabi lang na nawawala!" inis na sabi ni mommy. Napairap ako, sa kanya talaga ako nagmana pero mas mataray ang mommy ko."What are you waiting for? Hanapin mo ate mo!" utos niya kaya mabilis akong sumunod. Nagpunta ako sa kwarto ni ate.

"Ate!?" tawag ko pero walang sumasagot.

"Ateee!!" sigaw ko at pumasok sa banyo. Napatigil ako sa pagsigaw ng biglang magring ang phone ni ate, kaya tiningnan ko ito.

Calling...

Andrei

Mabilis kong kinuha ang phone at sinagot.

"Hello? Finally sinagot mo rin! Bakit hindi ka pumasok Flaire?"

Bakit kailangan dire-diretso ang tanong? Nagmamadali? Masusunog ang sinaing? Gosh!

"Hello, Andrei!" malambing na bati ko.

"Sino to?" tanong niya.

"The ever beautiful goddess Ashley!" sabi ko.

"Bakit ikaw ang sumagot? Nasaan si Flaire?" tanong niya napataas ang kilay ko. Choosy kumakausap na nga siya ng dyosa naghahanap pa ng baliw.

"Si ate? Wala siya- Oh no let me scratch that. Nawawala siya." I said then ended the call.

"Teka? Saan ba pwedeng hanapin ang baliw kong kapatid?" tanong ko at naglakad palabas ng kwarto ni Ate.


Andrei's Pov

"Si ate? Wala siya-Oh no! let me scratch that. Nawawala siya." Mabilis akong napatayo dahil sa sinabi niya

"What!?" gulat na tanong ko pero wala na pala akong kausap sa phone. "Sh*t!" inis na sabi ko, kanina ko pa tinatawagan si Flaire pero hindi niya sinasagot, may sumagot nga pero si Ashley naman.

Agad na napatingin sa akin ang mga kaibigan ko, pati na rin si Gab.

"Anong problema, bro?" kunot-noong tanong ni Andrea. Sasagot na sana ako pero biglang magring ang phone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Unregistered number kaya mabilis ko itong sinagot.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon