Andrei's Pov
Pag-alis ng kotse nila ay unti-unting nawala ang ngiti ko at napabuntong hininga. Ngayon ko naramdaman ang pagod sa lahat ng ginawa ko.
"Shot?" tanong ni Jasper, tumango ako. Naglakad kami patungo sa kanya-kanyang naming sasakyan at nagtungo sa bar na pagmamay-ari ni L. Dumiretso kami sa isang private room at pabagsak akong umupo sa couch.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Jasper at iniabot ang isang bote ng beer. Alam nila lahat ng sinabi ni Flaire kanina. Pasimpleng nakikinig ang mga loko.
"Wala, nafriendzone, e." sabi ko. Akalain mo yun, dati isang tanong ko lang sa mga babae oo agad, pero ngayon nafriendzone pa ko.
"Pero akalain mo yun. May boyfriend pala siya." sabi ni Jasper. Ininom ko na lang ang beer na hawak ko.
"Wala naman siyang nababanggit dati." sabi ni L at umupo sa tapat ko.
"Hindi daw pwedeng sabihin kaya hindi niya binabanggit sa atin." sabi ko at muling uminom.
"Talaga? Alam mo namang pugad ng mga USI ang B.U. at ni minsan walang nabalita na may boyfriend siya." sabi ni Jasper. Napabuntong hininga na lang ako at inubos ang laman ng boteng hawak ko.
Gusto kong malaman kung sino ang boyfriend niya. Aagawin ko si Flaire kapag mas gwapo ako. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila.
"Magpapaka-bh ka na? Tawag ka lang kung kailangan mo ng blade o lubid." nakangising sabi ni Jasper.
"Gag*! Baka gusto mo ikaw ang ibigti ko." inis na sabi ko.
"Whoa! Easy relax. Ganyan pala ang epekto ng kapag naba-busted?" mapang-asar na sabi niya.
"Jasper, tumigil ka na." suway ni L. Agad namang itinaas ni Jasper ang dalawang kamay niya na parang suko na siya. Napailing na lang ako at umalis.
Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni mica pero hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako, nadaanan ko din si Andrea pero nilagpasan ko lang siya kahit tinatawag niya ko. Wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino. Pabagsak ako humiga sa kama. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Pinagmasdan ko lang ang puting kisame ng kwarto hanggang sa makaramdam ako ng antok.
Kinabukasan nagkulong lang ako sa kwarto ko. Hapon na marealise ko na para kong tanga sa mga ginagawa ko. Bakit ba masyado akong nagpapaka-emo? Boyfriend pa lang naman. Maghihiwalay rin sila! Walang forever!
Bigla ako napabangon nang makaramdam ng gutom. Hindi pa pala ako nag-aalmusal at nagtanghalian. Lumabas na ko kwarto ko at nagpunta sa kusina para magluto. At kapag minamalas ka naman ay nandoon si Papa.
"Oh? buti naisipan mo pang lumabas?" tanong niya.
"Nasa loob na kasi ko Pa, kaya alangan na pumasok ulit." sagot ko. Napangisi naman si Papa.
"May nagreport sa akin about sa ginawa mo sa isang hotel natin. Napasagot mo ba?" tanong niya. Napatigil ako sa paghahalungkat sa ref. Kinuha ko na lang ang cake at umalis, pero hindi pa ako nakakalabas ng kusina ay nagsalita ulit si Papa. "Mukhang busted, a? Kaya ka ba nagkukulong sa kwarto mo?" tanong niya. Naglakad na ulit ako. "One more thing Jon. By this thursday makikipagmeet na ko kay Dr. Javier kaya dalhin mo si Rixie sa Opisina ko sa friday." sabi niya kaya muli akong napatigil at humarap sa kanya.
"Anong oras?" tanong ko kaya lalo siyang napangisi.
"Anytime! Want to share something? I know that it's the first time na mabusted ka." sabi niya kaya bumalik ako ng kusina at tumabi sa kanya sa counter.

BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...