MCG-54 May iba na

406 12 0
                                    

Nanginginig ang kamay ko nang napahawak sa naka-awang kong bibig. Ramdam ko rin ang mabilis na pag-init sa gilid ng aking mga mata at pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa dibdib ko at hindi ako makahinga ng ayos.

Humakbang ako paatras at mabilis na umalis. Wala ako sa aking sarili habang naglalakad palabas ng hospital, pakiramdam ko ay hinang-hina ako at anytime pwede akong bumagsak.

Paglabas ko ng ospital ay huminga ako ng malalalim na hininga at kasabay noon ay ang tuluyang pagbagsak ng luha ko. Pakiramdam ko ay unti-unting nauubos ang lakas ko kaya humawak ako sa poste.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napahagulgol. Ang sakit. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay may tumutusok sa loob ko.

Umupo ako sa gilid ng kalsada at hinayaan ang sarili kong umiyak. Hindi ko alam kung gaano katagal akong naroon. Nag-angat lang ako ng tingin nang biglang tumigil sa harap isang abong sasakyan.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko sa pag-aakalang si Andrei ang lulan ng sasakyan pero noong bumaba si Andrea at lumapit sa akin ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya at lalong napa-iyak.

**

"Okay ka na ba?" tanong niya, umupo siya sa tapat ko at inilapag ang isang baso ng tubig sa mesa.

Dinala ako ni Andrea sa condo niya at sa mga lumipas na oras ay wala akong ginawa kundi umiyak. Hindi ako nagsasalita o nagkwento, kaya laking pasasalamat ko at hinayaan lang niya ako at hindi siya nagtanong kung ano ang nangyari. Parang hinihintay niyang ako na mismo ang magsabi.

"A-andrea, ang sakit." sabi ko na lang. Mas masakit ito kaysa sa naramdaman ko noong itinago nila si Calix.

"Obvious naman." sabi niya at mukhang inip na inip na.

Muli kaming binalot ng katahimikan at tanging ang hikbi ko lang ang naririnig.

Sinubukan kong pigilin ang paghikbi at pinunasan ang luha ko pero ayaw nitong tumigil. Tumayo si Andrea at naiiling na umalis para pumunta sa kusina.

Pagbalik niya ay may dala siyang pagkain at may kausap rin siya sa phone.

"Ed, kasama ko siya. Tumawag lang ako para hindi kayo maghanap at mag-alala." sabi niya at inilapag sa harap ko ang dalang pagkain. Tumingin siya sa akin. "May tao kasing nagiging selfish at hindi man lang iniisip ang mga tao sa paligid niya." sabi niya at tinapos ang tawag.

"I-I'm sorry. Nakaka-abala na ako sa'yo." sabi ko at tumayo pero pinigilan niya ako.

"Sorry? Walang mangyayari sa kaso-sorry mo." malamig na sabi niya.

Natigilan ako at tumingin ng diretso sa abong mata niya. Kita ko ang pag-aalala niya pero pilit niya iyong tinatago.

"A-ano ba dapat? A-ano ba ang kailangan kong gawin? A-ano ba kasi ang tama? Kasi sa ngayon hindi ko na alam." Pilit niya akong pinapakalma. Hirap na hirap akong magsalita at parang sinisinok na. "Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Lahat na lang nasasaktan dahil sa akin. Lahat kayo naabala dahil sa akin, Wala akong ibang idinulot kundi problema-"

"Rixie!" natigilan ako dahil sa sigaw niya pero ang sumunod niyang ginawa ang hindi ko inasahan.

Naramdaman ko na lang na masakit ang kaliwang bahagi ng pisngi ko at isang mahaba at matinis ng tunog ang tanging naririnig ng kaliwang tainga ko.

Natulala ako.

Sa lahat ng tao sa paligid ko si Andrea ang isa sa inaasahan kong iintindi sa akin. Gusto kong magsalita pero parang may kung anong bara sa lalamunan ko pati pagsinok ko ay natigil.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon