Tanghali na noong magising kami kinabukasan. May hang-over pa sila kaya halos nakahilata lang sila maghapon. Pagdating lang ng alas cinco ay nagkasundo silang magtampisaw sa dagat.
Nang mga sumunod na araw ay namasyal na lang kami sa Batangas. Pero pagdating ng all souls day ay kailangan na naming bumalik sa maynila para madalaw ang puntod ng mga magulang ni Mom pati na rin ang mommy ni Dad.
Ilang araw na ring tumigil ang mga bangungot ko pero hindi pa rin ako makatulog ng ayos. Madalas akong magising sa madaling araw at hindi na muli makakatulog. Tulad ng nangyari ngayon. Alas kwarto pa lang ay nagising na ako. Madalas ay natutulala na lang ako at namamalayan ang oras kapag may kumatok sa pinto para tawagin ako sa almusal.
Napabuntong hininga ako matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Ito ang ginagawa ko para malibang. Wala pang pasok kaya nandito lang ako sa bahay, wala rin akong gana na lumabas dahil hindi maganda ang panahon, makulimlim at mukhang nagbabadya na ang ulan.
Napatingin sa gilid ko nang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong kinuha at sinagot nang makitang si Andrea ang tumatawag.
“Hello! Rixie!” masiglang bati niya kaya napangiti ako. Buti pa si Andrea, parang laging walang problema.
“Hi, Napatawag ka?" tanong ko.
“We're here sa B.U. Punta ka, ha!”
Magtatanong pa lang sana ako kung bakit sila naroon pero binabaan na niya ako. Ilang saglit lang ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya at sinabi kung saan ko sila makikita.
Mabilis akong nag-ayos at nagpahatid kay Mang Arnel sa B.U.
“Bakit nandito kayo? Wala pa namang pasok 'di ba?" Tanong ko sa kanina pagdating ko. Sa isang araw pa kasi ang pasukan.
“Nagpa-enroll kami! Ikaw ba walang planong mag-enroll?" tanong ni Jasper. Nagtataka akong tumingin sa kanila.
“Nag-eenroll pala pag second sem?" tanong ko.
“Hay, nako! Ang haba pa naman ng pila. Dapat pala sinabihan kita." sabi ni Devy.
“Hindi naman niya kailangang pumila, naka-enroll na siya." napalingon kami sa likod at nakita si Gabriel.
“Alam mo Gabriel, nagsisimula na kong mag-isip na may lahi kang kabute." sabi ni Andrea. Napangiti ako dahil tama si Andrea. Minsan ay bigla na lang sumusulpot si Gab.
“Sino nag-eenroll sa akin?" tanong ko.
“Ako. Simula nang pumasok ka dito sa B.U ay ako ang umaasikaso ng mga documents na kailangan mo." Sagot ni Gabriel kaya napatango ako.
“Eh!? Pwede naman pa lang mag-enroll sa'yo. Edi sana hindi na kami pumila diyan!" reklamo ni Andrea.
“Oo nga! Tapos ako hinayaan mong pumila ng matagal!” reklamo rin ni Devy.
“Hindi ako ang registar." simpleng sagot ni Gabriel.
“Heh! Ang sabihin mo masama talaga ng ugali mo, si Devy nga hindi mo rin sinabihan. Tapos kapag kaharap mo si Rixie tinatago mo sungay mo, kala mo kung sinong mabait." Mataray na sabi Andrea at umirap.
“Yeah right. Don't worry alam ni Rixie 'yon. Atleast hindi ako tulad mo na nagpapanggap na matapang pero hilahin lang ay nanginginig na sa takot—"
“Shut up!"
Nagulat na lang kami ng biglang sumigaw si Andrea para patigilin si Gabriel sa pagsasalita. Mukhang galit na galit pero imbis na magsalita ay umalis siya.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
MizahSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...